Thursday , September 4 2025
shabu drug arrest

P1.8-M bato nasamsam sa 3 tulak

NASAKOTE ang tatlong tulak ng ilegal na droga maka­raang masamsam ang mahigit sa P1.8 milyong halaga ng shabu sa isang buy bust operation sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Navotas Police chief P/Col. Rolando Balasa­bas ang mga naarestong suspek na si Marvin Perales, 25 anyos, ng Brgy. Daang Hari; Marvin Turla, 30 anyos, ng Brgy. San Jose, at Cresencio Arroyo, Jr., 33 anyos, residente sa PNR Cmpd. Brgy. 73, Caloocan City, pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drug Act of 2002.

Sa ulat ni Col. Balasabas kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Ronaldo Ylagan, dakong 8:35 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Charlie Bontigao ng buy bust operation laban sa mga suspek sa kahabaan ng Los Martires St., Brgy. San Jose sa koordinasyon sa PDEA.

Kaagad sinunggaban nina P/Cpl. McEdson Macaballug at Pat. Glenn Ocampo ang mga suspek matapos tanggapin ang P1000 marked money mula sa isang pulis na nagpang­gap na poseur buyer kapalit ng isang sachet ng shabu.

Nang kapkapan, nakuha sa mga suspek ang apat na medium transparent plastic sachets at tatlong transparent plastic ice bag na naglalaman ng halos 270 gramo ng shabu na nasa P1,836,000 ang halaga, buy bust money, P1,600 cash at isang green na eco bag.

Kaugnay nito, pinuri ni Gen. Ylagan ang operating unit ng Navotas Police SDEU sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Balasabas dahil sa matagumpay na pagka­kaaresto sa mga suspek.  

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Angeles Pampanga Police PNP

4 miyembro ng hold-up gang timbog sa checkpoint; baril, granada nakompiska

ARESTADO ang apat na kalalakihan na pinaghihinalaang miyembro ng hold-up gang sa isang checkpoint operation …

Motorcycle Hand

Nakaw na motorsiklo pinang-good time, suspek timbog

NADAKIP ang isang suspek sa pang-aagaw ng motorsiklo matapos mahuli sa aktong paggamit nito sa …

Goitia Kabataan Nagising na at Lalaban para sa West Philippine Sea

Chairman Goitia: Kabataan, Nagising na at Lalaban para sa West Philippine Sea

Para kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, ang tunay na sukatan ng tagumpay ng …

DOT launches Philippine Golf Experience to boost PH tourism promotion

DOT launches Philippine Golf Experience to boost PH tourism promotion

Clark, Pampanga—Positioning the Philippines as a premier golfing destination, the Department of Tourism (DOT) officially …

sub-standard solar lights panels nasamsam Bulacan

P.3-M sub-standard solar lights at panels nasamsam sa Bulacan

NASAMSAM ng mga awtoridad ang mga sub-standard na solar light at panel na tinatayang nagkakahalaga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *