Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bebot ninakawan ng puri, valuables ng 5-day lover

SISING-SISI ang isang magandang telecom company manager makaraang ibigay ang sarili at lasa­pin ang sarap kapalit ang isang oras na kaligayan sa kamay ng inakala niyang lover ngunit magnanakaw pala sa  Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Dakong 9:00 pm kamakalawa ng gabi nang mag-check-in sa isang motel sa Brgy. Potrero ang biktimang itinago sa pangalang Jovy, 47 anyos, kasama ang suspek na kinilalang si Kirby Villanueva. 41 anyos.

Batay sa ulat ni P/MSgt. Julius Mabasa, noon lamang 3 Enero, nagkakilala  ang biktima at ang suspek na si Villanueva at dahil sa matatamis na pambobola ng lalaki ay agad bumi­gay ang babae na maki­pag­kita sa isang fastfood restaurant.

Mula sa resto ay niyaya ni Villanueva na pumasok sa motel at kotse pa ng biktima ang gamit hanggang isang oras nilang nilasap ang inakalang tamis ng pag­mamahalan.

Matapos ng sex bout, niyaya siya ng suspek na kumain sa labas ng motel  at sinabing iwan na la­mang ang kotse dahil babalik naman sila pagkatapos kumain upang ituloy muli ang kanilang  pagniniig.

Sa isang teahouse  sa Caloocan  City human­tong ang dalawa, bago du­mating ang mga inor­der na pagkain, nagpa­alam ang suspek na tutungo sa banyo pero hindi na ito bumalik dahilan upang bumalik sa motel ang babae.

Natuklasan ng biktima na nawawala na ang mga  mamahaling  gamit kasama ang mga gadget, relo, salapi, ATM cards at kanyang iden­tification cards.

Ayon sa pulisya, modus operandi ng suspek na gamitin ang kanyang gandang lalaki upang mambiktima ng mga babaeng kanyang pangangakuan ng pag-ibig ngunit matapos patikimin ng sarap ay kanyang pagnana­kawan.

Sinabi ni P/Sgt. Mabasa na ganito rin ang kahalintulad na insidente sa Maynila at Pasay na nakunan ng CCTV at iisa lang ang pigura ng lalaking suspek.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …