Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
vice ganda coco martin

Vice at Coco, ‘di sinuwerte sa pambeking pelikula

PINATAOB ni Aga Muhlach sina Vice Ganda at Coco Martin dahil ang pelikulang Miracle in Cell No. 7 ang nanguna sa katatapos na Metro Manila Film Festival.

Sa ranking na nakuha namin, nakapagtala ng P350-M ang Miracle in Cell No. 7 sumunod ang The Mall The Merrier ni Vice na mayroong P305-M, pumangatlo ang 3Pol Trobol ni Coco na kumita ng P80-M, sinundan ng Mission Unstapabol ni Vic Sotto na mayroong P70-M, at sumunod ang Sunod ni Carmina Villaroel na kumita ng P20-M, Mindanao ni Judy Ann Santos na mayroong P15-M, Write About Love nina Miles Ocampo at Rocco Nacino na nakakuha ng P5-M, at ang Culion nina Iza Calzado, Meryll Soriano, at Jasmine Curtis ay mayroon namang P2-M.

Isang ‘miracle’ ang nangyari dahil ang dalawang pelikula na may temang kabadingan ay pinataob ng isang pelikulang ang bida ay kulang ang pag-iisip na nagpa-iyak sa mga manonood.

Sabi, hindi si Aga ang nagpatalsik sa takilya sa dalawang bigating personalidad kundi ang kuwento ng pelikulang Miracle In Cell No.7 na pusong-puso ang dala sa mga manonood kaya hanggang ngayon ay tuloy pa rin ang paghahari sa takilya.

Saang punto ngayon nagkamali sina Vice at Coco? Sinasabing madalas nang napapanood ang una sa It’s Showtime na nagpapatawa sa mga manonood. Gabi-gabi namang napapanood si Coco sa FPJ’s Ang Probin­syano kaya marami ang nanini­nabago dahil halos buong pelikula ay nagpapel Paloma ito.

Well, malaking lesson ito after talaga sa istorya ang mga manonood at hindi lamang sa kung ano-anong pagpapatawa.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …