Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
drugs pot session arrest

4 katao timbog sa pot session

APAT katao ang naaresto kabilang ang isang menor de edad estudyante na na-rescue ng mga awtoridad matapos maaktohang sumisinghot ng shabu sa Caloocan City, kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ni Caloocan Police Community Precinct (PCP)-1 P/Capt. Jeraldson Rivera ang mga naarestong suspek na sina Janis Ian Tamargu, 43 anyos, Rodel Punay, 55 anyos, Ramil Gonzales, 47 anyos at ang 17-anyos binatilyong estudyante.

Batay sa  ulat, dakong 11:50 pm, nakatanggap ng tawag sa telepono mula sa concerned citizen ang mga tauhan ng PCP1 at ini-report ang isang grupo ng kalalakihan na nagpa-pot session umano sa loob ng isang bahay sa Republika St., Brgy. 148, Bagong Barrio.

Matapos ito, agad tinungo ng mga tauhan ng PCP1 ang naturang lugar kung saan naabutang bukas ang gate ng naturang bahay at nakita ang mga mga suspek na sumisinghot ng shabu sa loob kaya’t agad dinamba ng mga pulis.

Narekober sa mga suspek ang dalawang sachet ng shabu na nasa 0.28 gramo, nasa P1,904 ang street value, isang nakabukas na sachet na may bahid ng shabu at ilang drug paraphernalia.

(ROMMEL SALES)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …