Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P75K nakana basag-kotse strikes again

MAHIGIT P75,000 halaga ng items ang natangay ng isang miyembro ng basag-kotse gang mula sa dala­wang technicians ng internet company sa Mala­bon City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao, dakong 7:15 pm, ipinarada ng mga biktima na sina Walter George Medina, 40 anyos, residente sa Centraza Drive, Centraza Village Pamplona 1, Las Piñas City , at Nathaniel Gumtang, 38 anyos, taga-Sauyo Road, Brgy. Sauyo, Novaliches, Quezon City, kapwa technicians ng Miescor Logistics Company, ang kanilang service Mahindra, may conduction sticker EH-1363 sa kanto ng F. Santos at M.H. Del Pilar streets., Brgy. Santolan para magkabit ng internet connection sa Tatawid Market.

Matapos mag-inspek­siyon ang dalawa sa loob ng palengke, bumalik sila sa kanilang sasakyan para kumuha ng mga gamit ngunit nagulat nang makita na bukas na ang pinto sa likod at basag ang sliding door ng kanilang sasakyan.

Nang tingnan ang kanilang mga gamit at iba pang personal na gamit kabilang ang laptop na P35,000, ang halaga, volt ohms meter na halagang P30,000, company tools, dalawang ATM (automated teller machine) na umaabot lahat sa P75,500 ay nawawala na dahilan upang humingi sila ng tulong sa pulisya.

Ayon kina police inves­tigators P/SSgt. Ernie Baroy at P/SSgt. Philip Cesar Apostol, pinaghahanap ang nag-iisang suspek na nakasuot ng puting t-shirt at maong pants na nakunan sa CCTV camera na nakatam­bay sa naturang lugar at sumakay sa isang Japanese bike nang tumakas na.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …