Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andy Verde, nag-celebrate ng ika-64 kaarawan

 ‘IKA nga, it’s better late than never, kaya kahit noong November 29 pa nag-celebrate ng kanyang ika-64 kaarawan ang tinaguriang Midnight King of DZRH na si Andy Verde ay hindi man lang namin siya nabigyan ng kapirasong write-up sa aming kolum dito sa HATAW kaya feeling guilty kami.

Ipinagdiwang ng sikat na host ng DZRH With Love noong Nov. 29 sa Tramway Buffet Resto na handog sa kanya ng mga tagapakinig nito gabi-gabi ng lahat ng bansang naabot ng kanyang programa sa buong mundo.

Una naming nakilala si Andy noong nasa Makati pa ang DZRH in 1998 na ‘angel’ kami ng namayapang Tita Swarding sa kanyang programang Showbiz ChikaNow Na! na noon ay palagi kaming kasama nito kaya nang lumipat ang Manila Broadcasting Company sa PICC ay kasama kami at nakikita pa rin si Bossing Andy.

Dahil sa pagpanaw ni Tita Swarding ay napasali kami sa programa ni Morly Alinio pero nang nag-guest kami sa programa ni Andy ay inimbitahan niya ako agad na maging bahagi ng kanyang Kantahan Sa DZRH dahil sa pagkawala ng programa noon ni Tiya Dely na Harana.

Noong Novemebr 28 ay ipinagdiwang namin ang kanyang kaarawan sa aming radio show, ang DZRH KARAOKE EXPRESS pero ginanap ang celebration sa araw mismo ng kanyang kaarawan sa Tramway Buffet Resto.

Nagulat kami nang banggitin nito na lagpas limang taon na pala ang aming pgrama na nagsimula sa titulong Kantahan sa DZRH na napalitan ng Happy Hour sa DZRH pero ‘ika nga, to go with the flow at millennial ang dating ay binago namin ang titulo ng DZRH Karaoke Express.

Malaki ang pagpapasalamat namin sa segment na ito na napapanood at naririnig tuwing huling Biyernes ng buwan sa programa ni Bossing Andy dahil napakikinggan kami sa buong mundo. Belated happy birthday, Bossing Andy Verde!

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …