Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
road accident

Habang nasa motorsiklo… Pulis-Maynila inatake sa puso

BINAWIAN ng buhay sa ospital ang isang pulis-Maynila makaraang atakehin sa puso habang lulan ng kanyang motor­siklo papasok sa trabaho sa Tondo, Maynila kama­kalawa ng umaga.

Ayon sa ulat ng Manila Police District (MPD), kinilala ang biktimang si P/Lt. Raul Imperial na papunta sa MPD Police Station 5 nang atakehin habang sakay ng kanyang motor­siklo sa Chesa St., Tondo dakong 5:30 am.

Isang concerned citizen ang nakakita kay Imperial nang bumag­sak sa kalsada.

Mabilis na naisugod ng concerned citizen si Imperial sa Manila Johnston Hospital pero hindi naisalba ang kan­yang buhay.

Nabatid sa mga kasa­mahan at kaibigan ng pulis, bago pa lamang nata­tanggaap ang kan­yang promosyon bilang tenyente nang atakehin sa puso.

(BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …