Sunday , December 22 2024
30th Southeast Asian Games SEAG
30th Southeast Asian Games SEAG

Pinoys hinikayat magkaisa para sa tagumpay ng SEA Games

DAPAT magkaisa ang mga Filipino at sama-samang suportahan ang mga nag-organisa ng Southeast Asian Games (SEAG) sa bansa imbes magbatohan ng dumi at magsisihan.

Ito ay matapos humingi ng paumanhin ang mga nag-organisa dahil sa hindi naiwasang logis­tical problems na naranasan ng ilang SEA Games participants.

Sinabi ng ibang atleta mula ibang bansa, ang mga ganitong klaseng problema ay normal na nangyayari lalo sa mga kaganapang dinadalohan ng libo-libong tao.

“It wasn’t ideal… but things happen. It’s time to move on and just focus on the soccer,” wika ni Cambodia head coach Felix Dalmas.

Unang una, ang problemang naranasan ay hindi naman kasalanan ng committee o ng mga hotel sa isang opisyal na salaysay ng Century Park Hotel Manila, na isa sa mga opisyal na tutuluyan ng players at delegado mula sa iba’t ibang bansa na dadalo sa Games.

Ayon sa Century Park Hotel Manila, ang mga detalye ng nabagong time of arrival ng football team ay late na naipaalam sa mga organizer gaya nang dumating ang team ng 4:00 am. sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa kabila ng nabagong schedule, ang mga atleta ay agaran din namang nasundo at dinala sa Century Park Hotel, ngunit ang hotel room nila ay hindi pa naihanda dahil sa standard check-in time na 2:00 pm.

“However, as early as 8:25 am, some members were given an early check-in due to availability of rooms,” wika ng hotel sa isang statement.

Ngunit inalok naman ang team na gamitin ang hotel function rooms bilang temporary holding area matapos ang kanilang breakfast, at inasikaso rin sila kung kailangan pa nila ng karagdagang upuan.

Hindi rin umano humingi ang team at minabuti nilang sa sahig na lamang daw sila upang makahiga. Tinawag itong isolated incidents.

Noong mga nakaraang araw, ang 75 international arrivals ng SEA Games participants kasama ang technical officials at representatives ng kanilang National Olympic Committee ay maayos na nairaos nang walang problema.

Karamihan sa 75 na dumating ay sa NAIA lumapag, samantala ang ilan ay sa Clark Inter­national Airport dumating.

Mas mabigat umano ang problema na kinaharap ng mga atleta noong 2017 SEA Games sa Malaysia na may mga insidente ng food poisoning, banggaan o aksidente ng sasakyan na may lulang mga atleta, pagnanakaw, delayed trips at controversial decisions ng mga referee.

Ngunit ang lahat ito ay hindi pinalaki sa social media o sa traditional na media. Marami ang nanawagan sa social media na sana ay magkaisa ang mga Filipino upang suportahan ang SEA Games imbes palakihin dahil agad namang naresolba ang mga naging problema.

Kahit si 1-PacMan Rep. Mikee Romero, isa rin sa SEA Games participant, denepensahan ang mga organizer at hotel sa mga kritisismo.

Sinabi ni Romero, ang puno’t dulo ng problema ay dahil sa delay ng pagpasa ng budget imbes ibintang ang nangyari sa organizers.

“Unfortunately the Senate had a lot of problems and na-delay ng 5 to 6 months ‘yung budget. Lahat ‘to was caused by that delay,” saad ni Romero, at sinabing bahagyang si Senate Minority Leader Franklin Drilon ang may sala dahil sa delay.

Aniya, “partly to blame probably because the delay was caused on their side, not on the House side.

“If they have approved it and the budget was already available last January, all these mishaps might not have happened,” saad ni Romero.

Sa kabila nito, nangako ang SEA Games organizers na lahat ay magiging maayos at gaga­win nila ang lahat upang maging matagumpay.

Sa kapakanan ng ating bayan, dapat tigilan na ang bangayan at magkaisa para sa ikatata­gum­pay ng SEA Games hosting sa bansa.

(Jerry Yap)

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *