Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
SINESERMONAN ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang nakakulong na SUV driver na si Orlando Ricardo Dizon, Jr., na ‘kumaladkad’ sa traffic enforcer na si Mc Adrin Lim, sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa. (BRIAN BILASANO)

Manila traffic enforcer kinaladkad… SUV driver hindi paliligtasin ni Mayor Isko

NABUGBOG sa sermon kay Manila Mayor Fran­cisco “Isko Moreno” Doma­goso, ang SUV driver na nadakip at nakapiit ngayon sa Manila Police District (MPD) matapos kalad­karin sa kanyang behi­kulo ang isang traffic enforcer na sumita sa kanya dahil sa pagba­lewala sa lane marking, sa Sta. Cruz, Maynila.

Hinarap kama­ka­lawa ng gabi ni mayor Isko sa kulungan ng Manila Police District Sta. Cruz Station (PS3) ang suspek na si Orlan­do Ricardo Dizon Jr., 54, residente sa 47 Gonzales Drive, Doña Pilar Com­pound, Batasan Hills, Quezon City.

Galit na sinermonan ni Mayor Isko si Dizon dahil sa kanyang ginawa kay McAdrian Lim, 21, miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), na su­mi­ta sa suspek dahil sa paglabag sa batas tra­piko.

“Wala kayong pu­wang dito sa Maynila kung ganyan ang ugali ninyo,” ayon kay Isko nang makaharap si Dizon.

“Nagawa mong mag­kotse, hindi mo kayang magbayad ng penalty? Paano kung napatay mo ‘yung traffic enforcer namin? May pamilya rin ‘yun,” dagdag ng alkalde na tinutukoy ang tinata­kasang P500 multa ng suspek.

”Natatawa ako rito e. Naka-afford magkakotse. Hindi kayang magbayad ng penalty, P500 lang ‘yun. Para sa P500 kaya niyang pumatay ng enforcer,” diin ni Mayor Isko.

Samantala, nanana­wagan si Mayor Isko sa pamunuan ng Land Transportation Office (LTO) na bawian ng lisensiya si Dizon dahil sa ginawa nito, at iminung­kahi na isailalim sa drug test.

Sinabi ng alkal­de, may ‘criminal intent’ para pumatay o manakit ang suspek nang kaladkarin nang may 300 metro ang traffic enforcer.

Sinabi ni Isko, hindi siya kombinsido sa katu­wiran ni Dizon na nata­ranta siya sa pangyayari dahil sa layo ng dis­tansiyang itinakbo ng sasakyan at ang nakita sa CCTV na iwinawasiwas niya si Lim.

”Naawa ako todits (Lim)  e. Alam mo ‘yung kapit niya. Hindi ‘yun para hulihin siya. ‘Yun ‘yung kapit para iligtas ang sarili niya. Hindi e, iwinawasiwas pa nito,” dagdag ni Isko.

Makikita sa nag-viral na video ang matuling pagpapatakbo ni Dizon sa kanyang kulay gray na Mitsubishi Xpander, may plakang NDP 1903, at ilang beses nagpa-ekis-ekis sa pagta­tang­kang ihulog ang traffic enforcer na mahigpit na nakakapit sa bintana ng sasakyan.

Nang mapahinto ang suspek, tinangka umano ni Lim na kunin ang susi nito, pero sinuntok siya ni Dizon sa mukha, na ma­ri­in namang itinatanggi ng suspek.

Ang insidente ay nangyari  nang sitahin ni Lim si Dizon sa Gelinos St., malapit sa Laong Laan St., dakong 9:45 am dahil sa traffic violation pero imbes tanggapin ang tiket ay tinangka nitong tuma­kas.

Kumapit ang traffic enforcer sa sasakyan upang hindi umano siya mabunggo ng suspek.

Imbes huminto, kina­ladkad at pilit nitong inihuhulog ang traffic enforcer mula sa behi­kulo.

Isang kotse pa ang nabangga nito dahil sa pagnanais na maka­ta­kas.

Nang makabitiw sa sasakyan si Lim ay mabilis nang humarurot papalayo ang suspek, pero naaresto rin ng mga pulis sa Oroquieta St., malapit sa kanto ng Tayu­man St., sa Sta. Cruz.

Nagkaroon ng mga sugat at bugbog sa kata­wan si Lim, at kaagad na isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center(JRMMC). Maayos na ang kondisyon nito at hindi na kinailangan pang i-confine sa paga­mutan.

Sa nangyari, pinuri ni Moreno si Lim dahil sa kanyang ipinakitang dedi­kasyon sa trabaho at tiniyak na tatanggap siya ng reward.

(BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …