Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
prison

Shake vendor ‘nagpahimas’ swak sa rehas

DERETSO sa kulungan ang isang shake vendor nang tangkaing ipahimas ang kanyang ari sa 16-anyos estudyante na umupo upang magpa­hinga sa tabi ng kanyang tindahan sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas City police chief P/Col. Rolando Balasabas ang suspek na si Carlos Martos, 25 anyos, resi­dente sa Reyes St., Brgy. Bangkulasi na sinam­pahan ng kasong acts of lasciviousness in relation to RA 7610 sa piskalya ng Navotas.

Ayon kay Balasabas, naganap ang insidente dakong 12:30 pm sa puwesto ng suspek sa Leongson St., Brgy. San Roque matapos umupo upang magpahinga ang biktima na itinago sa pangalang  Osang, Grade 9, habang naghihintay ng masasakyan pauwi.

Bigla umanong inililis ng suspek ang palda ng biktima at sinabihan siyang huwag nang mag­kun­wari dahil naghu­humindig na sa galit ang kanyang pagkalalaki na nais ipahawak sa biktima pero labis na ikinagulat ng dalagita.

Pinigilan umano ng suspek ang dalagita nang tangkaing umiwas ngunit nagmakaawa ang biktima at sinabing isa siyang estudyante kaya’t hina­yaan siyang makatakbong palayo.

Pagsapit ng biktima sa kanilang tirahan sa Tondo, Manila, kaagad niyang isinumbong sa kanyang ina ang ginawa sa kanyang ng shake vendor kaya agad humi­ngi ng tulong ang ina sa mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 2 na nagresulta sa pagkakaaresto kay Martos.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …