Thursday , December 19 2024

Cavite official sinibak 300 VK, fruit games machines winasak

MINASO at winasak ng mga pulis ng Police Regional Office 4-A (PRO 4-A) Office of the Regional Director Action Team ang mahigit 300-piraso ng ipinagba­bawal na video karera at fruit game sa Calabarzon.

Base sa ulat ni PRO4-A Regional Director (RD) General Vicente Danao, nakompiska ng mga pulis ang 252 piraso ng VK at FG mula sa limang probinsiya na kanyang nasasakupan na ang pinakamarami ay sa Laguna at Batangas.

Sa ginawang inspek­siyon ni Danao sa mga na­kom­piskang makina, nadis­kubre na ang mga makina mula sa Cavite ay walang laman na mother­board at haper, mahaha­lagang piye­sang nagkokontrol sa bawat makina.

Dahil dito, sinibak ni Danao ang hindi pinanga­lanang mataas na opisyal sa Cavite Provincial Police Office partikular sa Intel­ligence Division dahil sa hindi maayos na pagsunod at pagpapatupad ng “trabahong totoo” na kanyang direktiba.

“Kung sa simpleng panghuhuli ng mga illegal gambling partikular ng VK ay hindi maaasahan ang ilang opisyal e what can we expect them to do especially in anti- criminality and war on drugs,” ani Danao.

“We will not tolerate any wrong doings ng pulis dahil may gobyerno na rito sa Calabarzon, nagawa natin ang mga ‘yan na iayos ang Maynila at batasin ang mga pulis-Maynila kaya there’s no reason na hindi natin magawa dito sa probinsya,” dagdag ni Danao.

Nabatid, hindi magdada­lawang-isip si Danao na muling magsibak ng mas mataas pang mga opisyal sa kanyang nasasakupan sa oras na hindi sumunod sa kanyang kautusan para sa kapakanan ng mga kababayan sa Calabarzon.

Nakatakda rin pulungin ni Danao ang mga matagal nang nanungkulang pro­vincial directors sa Calabarzon patungkol sa mga natanggap niyang impormasyon kaugnay sa talamak na kalakaran ng droga sa limang probinsiya.

(BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *