Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maynilad spends P130M for Parañaque pipe replacement West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) is spending some P130 million to replace 18 kilometers of old, leaking pipes along West Service Road, from SM Bicutan to Sucat Road, in Parañaque City.Once completed by the end of June, the pipe replacement project will increase water pressure from the current 10 pounds per square inch (psi) to 16 psi.

2 estudyante nalunod sa maputik na quarry

NALUNOD sa maputik na quarry site ang dalawang batang babae matapos itulak sa malalim na hukay ng hindi kilalang suspek sa Brgy. Guyong, sa bayan ng Sta. Maria, sa lalawigan ng Bulacan kahapon, 29 Oktubre.

Wala nang buhay nang matagpuan sa maputik na hukay ang mga biktimang kinilalang sina Nicole Samantha Saire, 9 anyos, Grade 4 pupil; at Angelyn Badilis, 9 anyos, Grade 3 pupil, kapwa naninirahan sa Phase 7 Las Palmas, Brgy. Guyong, sa naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon, nabatid na naglalaro ang dalawang biktima nang maisipang dumako sa isang quarry site na malapit sa kanilang lugar.

Sinasabi ng ilang nakasaksi na habang nakatayo sa gilid ng quarry site na may malalim na hukay at puno ng tubig ay biglang may tumulak sa dalawang bata.

Dahil hindi marunong lumangoy at puro putik ang tubig sa hukay ng quarry, nahirapang umahon hanggang tuluyang malunod ang dalawang biktima.

Ilang oras bago pa natagpuan ng rescue team ang bangkay ng dalawang bata, samantala pinaghahanap at inaalam ng mga awtoridad kung sino ang tumulak sa mga biktima na naging sanhi ng kanilang kamatayan.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …