Wednesday , August 6 2025

Sa sobrang gigil… Kumare siniil ng halik sa labi ng truck driver

SINIIL ng halik ng 29-anyos truck driver ang kanyang kumare nang magkasalubong sila sa loob ng kanilang tiniti­rahang compound sa Valenzuela City kama­kalawa ng gabi.

Nahaharap sa ka­song acts of lasci­viousness ang suspek na kinilalang si Jesus Laguinday, residente sa Francisco Compound, Brgy. Karuhatan na isinampa ng Valenzuela Police Women and Chil­dren’s Protection Desk (WCPD)  sa piskalya ng lungsod.

Namula ang mukha sa hiya at galit ng 30-anyos ginang na kinila­lang si alyas Armie lalo na’t hindi niya inakala na hahalikan siya sa labi ng kumpare at malapit na kaibigan ng kanilang pamilya.

Sa ulat kay Valen­zuela police chief P/Col. Carlito Gaces, nabatid na matagal na umanong may  gusto si Laguinday sa ginang pero hindi niya magawang mai­pag­tapat ang nararam­daman dahil bukod sa may live-in partner ang biktima, matalik na magkaibigan ang kanilang pamilya.

Gayonman, hindi na nakatiis sa panggigil si Laguinday nang masa­lu­bong niya dakong  9:30 pm si Armie sa loob ng compound kaya’t matapos akbayan ang ginang ay biglang siniil ng halik ang labi.

Binitiwan ng lalaki ang pagkakayakap at paghalik sa biktima nang magsisigaw at humingi ng tulong sa kanyang mga kaanak.

Kaagad nilang inilapit sa mga barangay tanod ang kabastusang ginawa ng suspek na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo DRT Bulacan 4

Mga estrukturang nakabara sa waterways tukuyin — Tulfo

“ANG mga estrukturang nakabara sa waterways, isa sa mga sanhi ng matindi at paulit-ulit na …

Rice, Bigas

Pagtaas ng taripa, suspensiyon sa importasyon ng bigas suportado ni Pangilinan

SINUSUPORTAHAN ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang pagtaas ng taripa ganoon din ang suspensiyon ng …

DepEd

DepEd pinaigting anti-bullying policy bilang proteksiyon sa mga mag-aaral

NAIS ni Education Secretary Sonny Angara na tuluyang wakasan ang bullying o pang-aapi sa mga …

PNP AKG

2 kidnap victims nailigtas, 4 Chinese national tiklo sa operasyon ng PNP-AKG

DALAWANG kidnap victims ang nailigtas  habang apat na Chinese nationals ang dinakip ng mga tauhan …

QCPD Quezon City

Babaeng grade 3 pupil pinatay sa sakal ng 13-anyos

PATAY sa sakal ng isang 13-anyos batang lalaki ang Grade 3 student na natagpuang walang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *