Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bea, may payo — learn to value yourself

MAGTIRA ka ng pagmamahal para sa sarili mo.”

‘Yan ang payo ni Bea Alonzo kay Christian Bables na co-star n’ya sa isang forthcoming series ng Kapamilya Network na ang titulo ay ‘di pa ipinahahayag pero nagte-taping na.

Hindi man deretsahang sinasabi ni Bea, nagsisisi siya na ang ‘di pagtitira ng pagmamahal sa sarili n’ya ang nangyari sa kanila ni Gerald Anderson na bigla na lang siyang iniwan.

Pero kahit nagsisisi siya, ang mas mahalaga ay natuto na siya, ganoon ang dalawa kaya naging friends sila during look tests for their upcoming teleserye.

At ‘yon naman ang tahasang ipinahayag ni Arci Munoz na parang biglang nakipag-break sa no-showbiz boyfriend n’ya for two years na si Anthony Ng. 

Proklama ni Arci nang tanungin siya sa isang TV show kung may regrets siya after the break up: “More than anything, kaysa regrets siguro, lesson learned. I learned to value myself.”

Paliwanag pa ni Arci: “Kailangan mo talagang matutong mahalin muna ang sarili mo bago ka matutong magmahal ng iba.”

Oo nga pala, pinayuhan din ni Bea si Christian to take one day at a time in terms of his career, and to never forget his family.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …