Monday , December 23 2024

Polio virus binuhay ng ‘tsismis’ — Garin

Isinisi ni dating Health Secretary na ngayon ay Senior Minority Leader Janette Loreto-Garin ang pagsiklab ng polio sa bansa sa mga “fear-mongers” at “pseudo-experts” na naghasik ng pagkatakot sa dengue vaccine.

Ayon Garin, kumuka­lat na naman ang polio sa bansa matapos ang pag­kawala sa nakalipas na 19 taon.

Ayon sa Department of Health (DOH) nitong 19 Setyembre 2019, kompirmado ang mga kaso ng polio sa Lanao Del Sur at Laguna.

“The resurgence of Polio is a measurement of the effectiveness of fake news being spread by fear-mongers against vaccines and a testament to the new challenges public health is facing,” ani Garin.

Aniya ang takot ng taong-bayan sa pagpa­paturok ng mga bakuna ay nagsimula sa mga taong nagpangap na may alam sila sa dengue vaccine.

“They plastered their faces and spewed lies after lies feeding the media. They frightened the people of an effective vaccine which is now being used in 21 countries including the US (United States) and the EU (Euro­pean Union),”  ani Garin.

Tinutukoy ni Garin ang Dengvaxia.

Nagkaroon, umano, ng takot ang mamama­yan sa bakuna na nagre­sul­ta sa pagkalat ng tig­das, Japanese encepha­litis, at dengue.

Wala aniyang ginawa ang mga opisyal ng DOH, dahil sa takot na sila ay sampahan ng kaso.

“Kung konti lang ang nagpapabakuna, may posibilidad na magising ang matagal nang knock­out na polio virus,” aniya.

“Ngunit ngayon na bumalik ang polio, hini­hikayat ko ang lahat, lalo ang mga magulang na pabakunahan ang kani­lang mga anak. Kailangan makompleto ang lahat ng bakuna. Ugaliin din mag­hugas ng kamay at du­mu­mi lamang sa mga palikuran,” ayon kay Garin.

Aniya nagtagumpay ang mga “alarmists and the pseudo-experts” sa pagpabalik ng mga sakit na nawala sa bansa.

Hinikayat ni Garin ang media na bawasan ang pagpalabas ng mga “fear-mongers” at ilabas ang istorya ng mga tunay na eksperto sa mga sakit na nabanggit.

(GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *