Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maraming raket sa Bilibid — Ex-BuCor chief

ISINIWALAT  ni dating Bureau of Corrections (BuCor) OIC Rafael Ragos na talagang matin­di ang mga raket sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Magugunitang pina­munuan ni Ragos ang BuCor noong panahon ng Aquino administration na ang kanyang boss ay si dating Senador Leila de Lima.

Ilan sa mga tinukoy ni Ragos na source ng pera sa bilibid ng mga opisyal ng Bureau ang suhol mula sa mga sugalan, pagpasok ng pagkain, kid­nap for ransom, at pagpasok ng mga babae para sa high profile inmates.

Dito ay umaabot uma­no sa P30,000 ang bayad para sa isang babae upang mag-perform at iba pang gawain.

Nabanggit bilang example ang grupo ng “Mocha Girls” na isa raw sa mga pinapasok sa national penitentiary noong mga nakalipas na panahon.

Lumalabas na P300,000 ang minimum na natatanggap ng BuCor official kada linggo at iba pa ang pasalubong kapag may bagong natatalagang pinuno, habang P5 milyon para sa special deals.

(NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …