Thursday , April 17 2025

AFP intel funds binusisi sa bombahan sa Minda

SA GITNA ng patuloy na operasyon ng extremist groups sa Mindanao, kinuwestiyon ni Deputy Speaker at Surigao del Sur 2nd district Rep. Johnny Pimentel ang mataas na intelligence funds ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na balak dagdagan sa darating na taon.

“We have to face the fact that Islamic militants have chosen our country as one of their targets and that is why we hold the military responsible for these tragic events,” ani Pimentel.

Aniya, binigyan ng Kongreso ang AFP ng mataas na intelligence funds para makapa­ngalap ng impormasyon sa mga terroristang grupo na umatake sa pama­magitan ng isang suicide bomber sa Barangay Kajatian, Indanan, Sulu noong 8 Setyembre 2018.

“We have provided hundreds of millions of pesos for their (AFP) intelligence funds to gather information regarding terrorist groups and their plans. E saan napunta tong intel funds? How come this is hap­pening?” tanong ni Pimentel.

Pinag-uusapan nga­yon sa Kamara ang panukalang budget para sa 2020 na nagkakahalaga ng P4.1 trilyon.

Mas mataas ito kaysa kasalukuyang taon na nagkaroon ng P3.757 trilyon.

Ang operasyon ng mga terorista sa bansa ay lumaki noong umatake ang Maute Group na kaalyadon ng ISIS sa Marawi City noong Mayo 2017.

Ayon sa mga taga-Marawi, hindi sana nangyari ang malagim na bombahan sa kanilang bayan kung ginawa ng mga awtoridad parti­kular ang “intelligence community” ang kanilang trabaho.

Sa darating na taon, humingi ang AFP ng P1.7 bilyon at ang Philippine National Police (PNP) ng P806 milyon para sa kanilang intelligence funds.

Ayon kay Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman, naka­lulungkot ang mga pag­bomba sa Mindanao.

“Ikinalulungkot ko na nangyari ito sa panahon na tayo ay nagtatrabaho lahat para sa kapayapaan at sa pagsulong ng Bang­samoro Auto­nomous Region in Muslim Min­danao. Sadya sigurong marami pang mga elementong gustong sirain ang ating magandang simula. Sila ay mga kalaban ng kapayapaan at magtulungan po tayo upang sila ay pigilan,” ani Hataman.

“Although there were no other fatalities in the attack other than the bomber, it nevertheless put many lives in danger… I also call on the government to act on this swiftly and with decisive efficiency,” dagdag ni Hataman.

(GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *