Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Taong mapanganib hindi nararapat ‘ibalik’ sa lipunan

ANG mga mapanganib na tao katulad ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez ay hindi na nararapat ibalik sa lipunan.

Ayon kay ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap, may butas ang batas patungkol sa tinatawag na “three-fold rule” ng Revised Penal Code.

Aniya kailangan amiyendahan ang batas na ito upang masiguro na ang mga katulad ni Sanchez na nasenten­siyahan ng pitong habam­buhay na pagka­kabi­langgo ay hindi makala­labas ng kulungan habang buhay.

“Seven counts of reclusion perpetua should mean an eternity spent in jail. But the three-fold rule says otherwise. We should not allow dangerous people to be reintegrated back to our society,” ani Yap.

Tinukoy ni Yap ang nakasaad sa Article 70 ng Revised Penal Code.

Aniya ang batas na ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga convict na makalaya bago pa matapos ang kanyang sentensiya lalo kung naka-40 taon na sa loob ng kulungan o kaya naki­nabang sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Nais ni Yap na gawing life imprisonment ang “maximum period of 40 years of imprisonment”  lalo na kung sobra pa sa isang reclusion perpetua ang ipinataw na hatol sa salarin.

Taliwas sa sinasabi ni Sen. Bato Dela Rosa na bigyang pagkaka­taaon si Sanchez, sinabi ni Yap, hindi kailangan ng lipunan si Sanchez at mga katulad niyang naka­gawa ng karumal­dumal na krimen.

(GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …