Saturday , November 16 2024

Para mawalan ng halaga sa Korte… Paninda ng illegal vendors durugin — BF

KUNG hindi nadadala ang mga nagtitinda sa bangketa, durugin ang mga paninda.

‘Yan ang mungkahi ni Marikina Rep. Bayani Fer­nando sa mga awtoridad kahapon.

Ayon kay Fernando, ang dating hepe ng Metro Manila Development Authority (MMDA), may batas na nagsasabi na basura ang mga bagay na nasa bangketa.

Sa press conference sa Media Center kahapon, sinabi ni Fernando, ang tao ay hindi naman mag­lalagay sa bangketa ng hindi niya kayang ipana­kaw.

Aniya ang ibig sabi­hin, basura ang mga panindang iyon.

“May batas na tayo na matibay diyan na ipinasa namin noong panahon ko as chairman (MMDA), all goods on the sidewalks are considered common garbage — basura, ang lahat ng nasa bangketa. Kukunin ng gobyerno ‘yan at itatapon,” ayon kay Fernando.

Aniya, mas mainam kung sisirain ng mga ope­ratiba ang mga paninda sa harap ng vendor para mawalan ito ng halaga.

“Ngayon, ang policy ko naman doon sa ope­ratives sisirain sa harap ng may-ari para sa gano­on mawalan ng halaga,” ani Fernando.

“Pag walang halaga hindi ka madadala kahit na saang korte. Hindi pu­we­deng sabihing pinag­samantalahan mo at kinuha mo at iniuwi mo sa bahay dahil sinira mo,” dagdag niya.

Sa kaso ng mga bahay o estruktura na lumagpas sa bangketa, aniya, dapat durugin din yaon.

Ibinida ni Fernando na may pandurog siya sa mga estrukturang luma­lagapas sa bang­keta.

“Noong araw ‘yung mga konkreto na lagpas sa mga bangketa, mayron ako talagang pandurog, backhoe, mayayanig pati bahay mo. May instruc­tion ako sa nagdudurog noon na dapat mayanig nang konti ‘yung bahay, para madala huwag niyang malimutan ‘yun. Para ‘wag umulit. Hindi naman para pabagsakin mo ‘yung bahay niya,” ayon kay Fernando.

ni GERRY BALDO

About Gerry Baldo

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *