HINIMOK ni Iloilo Rep. Janette Garin ang administrasyong Duterte na parusahan ang managers ng mga ahensiya ng gobyerno at huwag ang taong-bayan sa pamamagitan ng pagbawas sa pondo ng mga “non-performing” na ahensiya.
Ayon kay Garin, ang pagbawas sa pondo ng mga ahensiyang hindi nagpe-perform partikular ang may kinalaman sa public health ay magkakaroon ng masamang epekto sa mahihirap.
“Budget cuts for poor-performing agencies and public programs, especially those involving the public health, only deprive the people of much-needed services and leave them to suffer when it is the particular government office itself that is to blame,” ani Garin.
“It may appear that we are penalizing a particular government agency when we make these slashes in budgets for poor performance or underutilization of funds, but in fact we are punishing the people who will ultimately feel the brunt of an unfunded government service,” dagdag ni Garin, ang dating Health Secretary.
Kinuwestiyon ni Garin ang pakay ng Universal Health Care kung ang paglalabas ng pondo ay nakabatay sa nakaraang paggamit nito.
Inihalimbawa ni Garin ang PhilHealth na mataas ang budget dahil sa mataas na paggastos na sa bandang huli ay nadiskubre ang mga katiwalian dito.
“Ang taas ng utilization at ang bilis ng release ng pera, but we are now discovering it may be because of fraudulent claims,” aniya.
“Hahayaan ba natin ang Philhealth na tumakbo nang ganito habang binabawasan ang mga importanteng programa sa pangkalusugan, tanong ni Garin.
(GERRY BALDO)