Thursday , August 14 2025

No parking no car bill isinulong ng solons

IPINANUKALA ng ilang mamba­batas ang kinatatakutan ng mga mahilig sa sasakyan: ang pagbabawal sa pagbili ng sasakyan kung wala silang parking para rito.

Ayon kay House deputy speaker, Rep. Raneo Abu, Cavite Rep. Strike Revilla, at Quezon City Rep. Alfred Vargas hindi na puwedeng bumili ng sasakyan kung walang parking.

“The street is pri­marily intended for vehicular or foot traffic and should not be appro­priated as personal parking spaces of these vehicles. Any buyer of a motor vehicle can be presumed to be able to provide  a parking space for his vehicle,” ani Abu.

Sa panig ni Revilla at Vargas, makababawas sa pagdami ng sasakyan sa Metro Manila ang nasa­bing mga panukala.

Sa panukala ng mga nabanggit na mamba­batas, papanagutin ang Land Transportation Office (LTO), ang car supplier o dealer at ang mga may-ari ng sasak­yan, kung mapapa­tuna­yan na wala silang parking.

Kapag naipasa at naging batas ito, may kaakibat na parusa ang mga lalabag dito –  tat­long taong pagkakabi­langgo at multa mula P50,000 hanggang P200,000 sa bawat pagkakataon.

ni Gerry Baldo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

NBI

P11-M pekeng produkto kinompiska ng NBI

UMABOT sa P11 milyong halaga ng mga pekeng produkto ang nasamsam ng National Bureau of …

Nicolas Torre III

Vloggers/content creators, binalaan ni Torre vs fake news, imbentong senaryo

BINALAAN ng Philippine National Police (PNP) ang mga vlogger at content creator na huwag magpakalat …

081325 Hataw Frontpage

3 grade 7 student nabagsakan ng debris, kritikal

ni ALMAR DANGUILAN MASUSING inoobserbahan sa Capitol Medical Center ang tatlong Grade 7 students kabilang …

QCPD Quezon City

Paslit kinidnap ng yaya nailigtas

NAILIGTAS ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang 3-anyos bata habang naaresto …

Goitia

Chairman Goitia:
Katotohanan, sandata laban sa kasinungalingan ng Tsina 

SA ISANG eksklusibong panayam kay Dr. Jose Antonio Goitia, na nagsisilbing Chairman Emeritus ng apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *