Monday , December 23 2024

‘Baho’ sa PhilHealth pinipigil na sumingaw — Solon

MAY SUMISINGAW, umanong, baho sa Phil­health na pilit itinatago matapos pagbawalan ng ahensiya ang Commission on Audit (COA) na silipin ang mga kanilang mga computer.

Ayon kay Anaka­lusugan party-list Rep. Mike Defensor hinarang ng ahensiya ang COA na busisiin ang P121-bilyong ibinayad uma­no sa mga pa­syente noong naka­raang taon.

“May itinatago ba ang Philhealth kaya ayaw ipa-access sa COA ang kanilang computer?” tanong ni Defensor.

Ayon kay Defensor, nabigo ang  COA na buk­san ang records ng ahen­siya patungkol sa mga ibinayad sa mga doctor at ospital kung saan nagpa­gamot ang mga  miyem­bro.

Ayon kay Defensor, mahalagang malaman ang tunay na pinagka­gastusan ng malaking halagang ito.

“Hindi ko maialis sa akin o sa ibang tao na magduda dahil kung wala kayong itinatago, dapat iopen n’yo ‘yan sa COA. Pero bakit ayaw nilang ipa-access sa COA ang kanilang computer,” ani Defen­sor.

Binanggit ni Defensor, ang nakaraang reports na nagbayad ang Philhealth sa isang clinic para sa isang pasyenteng patay na.

Nagpaplano si Defen­sor na paimbestigahan ito sa Kamara.

Aniya, ang Congres­sional Oversight Com­mittee ay maaaring mag-imbestiga at mag-utos na buksan ang records ng ahensiya.

(GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *