Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manila Zoo hindi namin ibebenta — Mayor Isko

BUKOD sa pagpunta sa Rizal Park, o Luneta, ang pinakamurang paraan ng pamamasyal at mapalapit sa kalikasan ay pagdalaw sa Manila Zoo sa panu­lukan ng Quirino Avenue at Adriatico Street sa Malate, Maynila.

Ngunit kamakailan, may mga planong ilipat ito o ipasara sa maraming dahilan.

Isa na rito ang para sa kapakanan ng mga hayop na naninirahan sa 60-anyos na dating zoological at botanical garden, na ayon sa mga animal expert ay nahihirapan na dahil sa pagkakakulong sa mga hawla, na hindi na isinu­sunod sa mga modernong zoo.

Ito’y bukod pa sa problema sa polusyon, kabilang ang pagkaka­diskubre na ang kanal at daluyan ng mga tubig sa zoo ay hindi napa­nga­lagaan nang mabuti sa nakalipas na anim na dekada.

Sa panahon ni Manila mayor Joseph ‘Erap’ Estrada, may mga balitang ipalilipat ang zoo, saka ibebenta ang maiiwan nitong lupain.

Nagbunsod ito ng agam-agam sa mga resi­dente ng Kalakhang May­nila, na sa mahabang panahon ay itinuring ang Manila Zoo bilang pangu­nahing destinasyon para sa pamamasyal kasa­ma ang kanilang pamilya at mga kaibigan.

Ngunit ngayong may bago nang alkalde sa katauhan ni dating vice mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso bilang punong ehekutibo ng lungsod, sadyang luminaw na ang situwasyon sa pangako na hindi ibebenta ang Manila Zoo at sa halip ay may plano pang ayusin at pagandahin ang pasili­dad para sa kapakanan ng mga taga-Maynila at ma­ging ng mga mamamayan mula sa iba’t ibang lugar na nagpupunta rito.

Sa Kapihan sa Manila Bay media forum, tiniyak ng bagong alkalde sa mga Manilenyo na wala silang dapat pangambahan dahil ang kanyang pamunuan ay nakalaan sa tunay na paglilingkod sa publiko.

Hiniling niya sa mga stakeholder na dumalaw sa kanyang tanggapan para mapag-usapan ang kinabukasan, hindi lamang ng Manila Zoo, kundi maging ng buong siyudad ng Maynila.

“Kailangan ko ng tulong ninyo upang maisaayos ang Manila Zoo (at ang buong lungsod). Panahon na para pagtuunan natin ng pansin na maibalik ang ningning ng Maynila bilang ‘Perlas ng Silangan’ at duyan ng ating bayaning si Raha Soliman, ang huling haring Filipino na ipinaglaban ang ating kalayaan,” idiniin ni Moreno.

Sa ngayon, nananatili ang Manila Zoo na nakasara simula noong Enero ng taong kasalu­kuyan sanhi ng pagka­kadiskubre na isa umano ito sa major pollutant ng Manila Bay.

 (TRACY CABRERA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …