Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tinitira umano siya… Solon na nanapak ng waiter nagbanta

BINANTAAN ni Ang Probinsyano Party-list Rep. Alfred De Los Santos ang sinabi niyang mga tumitira sa kanya matapos lumabas sa media ang istorya ng kanyang pananapak sa isang waiter sa Legazpi City.

Ayon kay De Los Santos sa kanyang social media post, ilang araw na lang matatabunan na ang isyu laban sa kanya at makapananapak na naman ulit siya.

Ipinagmalaki rin ni De Los Santos, malakas, aniya, siya sa mga politi­ko sa Albay.

“Ilang araw na lang matatabunan din itong isyu na ‘to makaka­panapak na naman ako kaya kayong mga tumi­tira sa ‘kin antayin n’yo lng, malakas ako sa mga politiko dito sa Albay,” ani De Los Santos sa FB page niya na naka-deactivate na ngayon.

Binantaan niya rin ang waiter na sinuntok niya.

“Waiter ka lang! Hindi mo kilala bina­bangga mo!” ayon kay De Los Santos.

Ang waiter ng Biggs Diner na si Christian Kent Alejo, 20 anyos, ay sinuntok ni De Los Santos habang naglalagay ng placemat sa mesa ng kongresista nitong mada­ling araw ng 7 Hulyo 2019.

Sa police report, sinabi ni Alejo na nakailag siya pero sa CCTV foot­age sa loob ng restaurant mukhang tinamaan siya.

Ayon sa abogado ni Alejo na si Atty. Bart Rayco, maghahabla sila sa Ethics Committee ng Kamara pagbukas nito sa 22 Hulyo.

Ayon sa mga source sa Albay, pinondohan ng isang kongresista ang pagtakbo ni De Los Santos bilang pangu­nahing nominee ng Ang Probinsyano Partylist.

Malaki umano ang ginastos ng politiko para manalo ang mambabatas na nanapak ng waiter.

ni Gerry Baldo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …