Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagpayag ni Digong sa pangingisda ng mga Tsino sa EEZ posible sa impeachment (Pagpapasabog ng China ng missile nakababahala)

NAGPAHAYAG ng pagka­bahala ang dating kinatawan ng Magdalo Party-list sa Kamara kaugnay ng pagpa­pasabog ng China ng missile sa South China Sea.

Ayon kay dating Rep. Gary Alejano, ang mga kasa­pi sa umaangkin rito ay na­ra­rapat umalma sa ginawa ng China.

“This is indeed distur­bing. China’s pretensions that it won’t militarize SCS (South China Sea) have long been exposed,” ani Alejano, isang masugid na kritiko ng mga patakaran ni Pangulong Duterte sa SCS.

“Stakeholders in the SCS including the PH should condemn such acts and continue to demand from China to be responsible rising power,” dagdag niya.

May report ang Penta­gon na nag-testing ang China ng mga anti-ship ballistic missile sa SCS noong nitong katapusan ng Linggo.

Kaugnay nito, sinabi ng Communist Party of the Philippines, lalong pinala­lakas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibleng impeachment case laban sa kanyang sarili noong akuin na nagkaroon siya ng verbal agreement kay Chinese President Xi sa pagpayag sa mga mangingisda ng China na makapangisda sa loob ng Exclusive Economic Zone bg bansa.

Ayon sa CPP, hindi para kay Duterte ang pagpayag sa mga Tsino na maka­pangisda sa EEZ ng bansa.

“A fish is always caught by the mouth, CPP ex­plained, and the garrulous, foul-mouthed Duterte is practically writing the case against him by railing against the 1987 Constitution, reducing it to toilet paper that he can use in wiping his mouth and his anus, and claiming that he can fritter away the country’s EEZ without any culpability,” pahayag ng CPP.

Nauna nang sinabi ni Senior Associate Justice Antonio Carpio na posibleng maharap sa impeachment ang pangulo dahil sa pag­papabaya sa EEZ at teri­torya ng bansa.

(GERRY BALDO)

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …