Thursday , December 19 2024

Defense chief nanawagan ng kahinahunan sa Recto incident

NANANAWAGAN si Defense secretary Delfin Lorenzana para sa kahinahunan at itigil ang paggatong sa damdamin ng sambayanan sa usapin ng aksidenteng pagbangga at pagpapalubog ng isang Chinese vessel sa isang Filipino fishing boat malapit sa Recto Bank na sinasabing nakapaloob sa exclusive economic zone (EEZ)  ng Filipinas sa West Philippine Sea.

Sa Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico sa Malate, Maynila, inulit ng defense chief na ang pagpapalubog sa F/B Gen-Ver 1 na sinasabing binangga ng Chinese vessel na Yuemaobinyu 42212 ay “simpleng maritime incident” na hindi dapat pinapalaki nang labis.

“Nakatigil ang bangka ng mga mangingisdang Pinoy malapit sa Recto Bank — gaya ng sinasabi ng Maynila at Beijing — nang mabangga ng 42212 ay lumubog ito at iniwan ang 22 tripulante,” ani Lorenzana.

Sa naunang panayam, inihayag ni Agriculture Secretary Manny Piñol, ‘wala namang reklamo’ ang mga nasagip na mangingisda laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, ngunit sa kabila nito’y nagsasagawa ng imbestigasyon para malaman ang katotohanan sa pangyayari.

“I don’t know why the President should be dragged into this issue. In our perspective at the Department of Agriculture, this is just a simple maritime incident which should be handled at our level,” punto ng kalihim.

“I don’t understand why people are blowing this out of proportion,” dagdag ng opisyal.

Binanggit ni Lorenzana, may ilang social post na nag­sa­sabing ang insi­dente ay isina­gawa upang mapa­igting ang ten­sion sa pagi­tan ng Filipinas at China, na isi­nantabi naman ng kalihim bi­lang “figment of the imagi­nation.”

“Whether the ramming was intentional or accidental, that is a matter that should be investigated,” pagdidiin ng kalihim. (Tracy Cabrera)

About Tracy Cabrera

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *