Sunday , December 22 2024

Grupo ng partylist mamimili kay Velasco o Romualdez sa speakership

NAGPASYA ang grupo ng mga party-list na dalawang kandidato ang pagpipilian nila sa speakership.

Ayon kay Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Rep. Jericho Nograles ang pagpipilian na lamang ng Partylist bloc ay sina Marinduque Rep. Lord Alan Velasco ng PDP Laban o si Leyte Rep. Martin Romualdez ng Lakas-CMD.

Ani Nograles, ang mga miyenbro ng party-list bloc ay nagdesisyon na limitahan na lamang ang pagpipilian nila sa dalawang kandidatong seryoso sa pagka-speaker.

Paliwanag ni Nogra­les, ang senti­miyento na umiiral sa grupo ng party-list ay si Velasco at Romualdez dahil malapit sila sa grupo.

“I observed that our party-list congressmen are one in the belief that under a Velasco or a Romualdez speakership, we will be treated fairly and the concerns of our cons­tituents will be heard and respected. Some of the wannabes who have tried to reach out to us obviously have a different view about party-list groups. Parang mababa ang tingin sa amin,” ayon kay Nograles.

Tumangi si Nograles na sabihin kung sino ang ibang kandidato pero giit niya, ang Partylist Coa­lition Foundation Inc. (PCFI) na pinamu­mu­nuan ni 1Pacman Partylist Rep. Mikee Romero ay boboto sa isa lamang na kandidato.

“Our choice is down to two. Velasco or Romualdez. This will be a tough decision to make because both of them are close to our hearts but we will definitely choose the speaker who can treat us justly and fairly,” ani Nograles. Ngunit ang pahayag na ito ay pinasi­nunga­lingan ni Romero.    

    (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *