Saturday , December 21 2024
DINAKIP nina P/SSgt. Enrique Santos, Pat. Dairy Edillo, P/SSgt. Yael Mae Fenid at P/Cpl. Dennis Navarro, ang live-in partners na sina Rogelio Mercado, alyas Christian Silvestre, at Rachelle Rosario, habang kinukuha ang package na may lamang shabu na ibinalik ng bansang Israel sa loob ng LBC Branch. Saksi sina  barangay captain Nick Gardiner, kagawad Ruben Cortez, Jericho Gaviola ng DOJ at media sa inilatag na buy bust operations, kamakalawa ng hapon sa Brgy. San Vicente, Apalit, Pampanga.  (Kuha ni LEONY AREVALO)

Shabu mula Israel ibinalilk magdyowa timbog

APALIT, Pampanga – Ares­tado ng Apalit Police Anti-illegal Drugs Enforcement Unit sa pakikipagtulungan ng PDEA  ang live-in part­ners  na umano’y  notoryus na bigtime drug pusher mak­araang kunin ang ibinalik ng bansang Israel na ipina­dala nilang package, hinihi­nalang shabu sa LBC Apalit Branch, kamakalawa ng hapon sa Barangay San Vicente.

Nabatid sa isinumiteng ulat ni P/Lt. Col. Elmer Dece­na, hepe ng  Apalit Police, sa tanggapan ni P/Col. Jean S. Fajardo, Pampanga Provin­cial Police Director,  hindi na nakapalag nang damputin nina, P/SSgt. Enrique Santos, P/SSgt. Marlon Agad at Pat. Dairy Edillo, habang kinukuha  ng suspect na si Rogelio Mercado, 42 anyos, alyas Christian Silvestre, Krudo at Ruel ang  ibinalik na package ng bansang Israel na may lamang dalawang medium-size heat-sealed transparent plastic na hini­hinalang shabu nakalagay sa mahabang puting folder na kanyang  ipinadala sa isang Ma. Cristina Lamonte noong April 27, 2019 sa Israel gamit ang pangalang “Christian Silvestre.”

Ilang sandali pa ay nasakote nina P/SSgt. Yael Mae Fenid at P/Cpl. Dennis Navarro ang kanyang live-in na si Rachelle Rosario, 39 anyos, parehong  taga-Sitio Sto. Rosario, Barangay Tabuyoc, Apalit, Pampa­nga.

Ayon kay P/Lt. Col. Dece­na, matagal nang ginagawa ng mga suspek  ang kanilang modus na pagpapadala ng shabu sa bansang Israel, ngunit nagduda ang pamu­nuan ng LBC nang ibalik ng Israel  ang package at ilang araw na hindi kinukuha ng mga suspek  kaya agad nilang tinawagan ang mga awtopridad.

Inatasan ni Decena  sina P/Maj. Danilo Fernandez at P/Cpl. Marcelino Gamboa na man­manan ang  nasabing lugar at ilang sandali pa ay namataan nila ang suspek habang kinukuha ang pack­age.

Agad dinakma ang sus­pek sa loob ng LBC, saksi sina barangay chairman Nick Gardiner, kagawad Ruben Cortez, Jericho Gaviola ng DOJ at kinata­wan ng media.

Nahaharap  sa kasong paglabag sa Section 5 and 11, Art 11 of R.A-9165 ang mga suspek matapos  ma­samsaman  ang ilang pira­song  heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng  hinihinalang shabu.

(LEONY AREVALO)

About Leony Arevalo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *