Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dimples, Eula Valdez in the making

DOMINATED din pala ng Kapamilya Network ang afternoon block. Ang laki-laki na rin ng bilang ng sumusubaybay sa Kadenang Ginto na ang time slot ay kasunod ng It’s Showtime.

Sa tindi ng following ng show, hindi ito tinapos noong March.

Sa You Tube pa lang ay 8 million na ang subscribers ng Kadenang Ginto. Ipinakikita sa isa sa mga You Tube channels ng Kapamilya Network ang mga katatapos lang na episodes ng serye para sa mga pumalyang makapanood niyon o para sa mga gustong mapanood uli ang mga recent episode.

Nasa pangalawang season na ang serye at lutang na lutang ang pagiging kontrabidang-kontrabida ni Dimples Romana kay Beauty Gonzales. Akala ng madla noon ay mai-stock na si Dimples sa mababait na supporting roles, pero Eula Valdez in-the-making pala si Dimples sa pagiging sosyal na kontrabida. At sexy na rin ang mga outfit n’ya. Hindi na siya magandang losyang.

Actually, kabilang na rin sa matinding sinusubaybayan sa serye ang apat na kabataang artista na sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri, at ang bagong-bagong miyembro ng cast na si Seth Fedelin na mula sa Pinoy Big Brother Otso. Gold Squad ang tawag sa kanila collectively. Hot na ‘yung tatlo, at malamang na makahabol si Seth sa kasikatan nila.

Nitong mga nakaraang araw lang ipinasok ang karakter ni Seth bilang Myko, at agad siyang nagpanggap na suitor ni Marga (Andrea) na kontrabida naman sa buhay ni Cassie (Francine) na anak ni Daniela (Beauty). Mukhang magugustuhan naman siya ni Marga na parang walang lalaking nagkakagusto dahil may kayabangan at may pagkapasiklab.

Palaban ang mga tauhan ng serye: may mga mapang-api na ‘di inuurungan ng mga inaapi. Ngipin sa ngipin sila sa paglaban.

Masalimuot ang mga buhay ng mga tauhan ng serye at ang asam namin ay malahukan ng ispiritualidad ang serye at ang buhay nila. Matuto sana silang makipag-ugnayan sa Diyos na nasa kalooban ng bawat tao para bumuti ang kalagayan nila sa buhay nang walang nililinlang at nilalamangan.

Kapuna-punang kahit na napakatindi at napaka-interesting ng mga palabas ngayon sa TV, sa pelikula, at sa entablado, halos lahat ng tauhan ay parang walang Diyos. Mabuti nga sa FPJ’s Ang Probinsyano, may nag-iisang karakter na nakikipag-ugnayan sa Diyos: ang kay Susan Roces bilang si Lola Kap. Madasalin pa rin siya. Nananalig pa rin sa kapangyarihan ng nag-iisang Diyos.

Ewan lang kung sa tunay na buhay ay ganoon na rin ang mga Pinoy kaya maraming dinaranas na kapahamakan: wala silang panahong makipag-ugnayan sa Diyos. Parang naging kaugalian na ng mga Pinoy na daanin sa yabang ang lahat at magpanggap na kaya nilang lutasin ang lahat ng hamon sa kanilang buhay sa sarili nilang kakayahan at ‘di umaasa sa kapangyarihan ng Diyos na nasa kanilang kalooban.

Maisip kaya ng mag-inang Daniela at Cassie na makipag-ugnayan sa Diyos para maligtas sila sa lahat ng mapangwasak na plano ni Romina sa kanila?

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …