Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ogie Diaz, sinuportahan ang kandidatura ng BF ni Aiko na si Jay Khonghun

DUMAYO ng Zambales ang kuwelang kome­dyante na si Ogie Diaz para ipakita ang kanyang suporta kay Jay Khonghun na tumatakbong bise gobernador ng Zambales.

Dito’y pinagkaguluhan ang talent manager at radio host na si Ogie sa kanyang pagpunta sa Zambales nitong nakaraang Linggo, April 28.

Nagtungo si Ogie sa Zambales upang personal na ikampanya si Zambales vice cubernatorial candidate Jay, na boyfriend ng kaibigang si Aiko Melendez. Pinatotohanan ni Ogie ang sinserong serbisyo sa bayan ni Jay sakaling mahalal nga siya sa puwesto.

Si Jay, three-termer mayor ng Subic ang tanging alkalde ng nasabing siyudad na nagpaunlad nito nang husto. Pati si Congressman Jeff Khonghun ay inendoso rin ng Kapamilya star.

Nagpasalamat sina Aiko at Jay kay Ogie sa ipinagkaloob na suporta sa kanila.

Pahayag ng award-winning Kapamilya ak­tres, “Malaking bagay ‘yung personal en­dorsement niya dahil iba rin ang kredebilidad ni Mader Ogie.”

Masayang dagdag ni Aiko, “Nagpapasalamat din kami na kahit na anong bato nila ng paninira sa amin, may nari­ri­­nig kaming balita na so­brang taas ng ratings ni Vice Governor Jay sa mga inde­pendent local surveys dito.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …