Saturday , November 16 2024

Sa isyu ng voting centers sa Sulo… Korte Suprema binatikos ng kongresista

BINATIKOS ni Deputy Speaker at Sulo Rep. Munir Arbizon ang Korte Suprema sa tagal ng paglabas ng resoluyson patungkol sa isyu ng malalayong voting centers sa Sulo.

Ayon kay Arbison, malapit na ang eleksiyon pero wala pang resolu­syon ang Korte Suprema partikular na sa barangay ng Capual na may 3,000 rehistradong botante na bibiyahe nang ilang kilometro patungo sa daungan para makaboto.

Ayon kay Arbizon, sa Maimbong, 70 porsiyento ng mga botante ay naka-assign sa iisang voting center na kontrolado ng dating gobernador na si Sakur Tan.

Kamukha rin umano nito ang kaso sa mga barangay ng Lugus, Pata, Panamao at Kalinggalan Caluang, ani Arbizon.

Paliwanag ni Arbison, inayos na sana ng Comelec ang problema pero hinarang ni Tan sa pamamagitan ng peti­syon sa Korte Supre­ma na isinumite ng kanyang abogadong si Sixto Brillantes, dating Chair­man ng Comelec.

Ayon kay Arbizon, ang cluster sa mga presinto sa Sulo ay gina­wa noong panahon ni Brillantes sa Comelec.

Ani Arbison, ang kasalukuyang Comelec ay dapat hayaang mag-ayos kung saan ilalagay ang mga presinto.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *