Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Endoso ng INC at El Shaddai target ni Villar

UMAASA si reelectionist Senator Cynthia Villar sa suporta at endoso ng  religious group na Iglesia ni Cristo na kilalang may block vote na pinamu­munuan ng  pamilya Manalo at ng El Shaddai na pinamumunuan ni Bro. Mike Velrade.

Ayon kay Villar, ang kanilang igagawad na suporta at endoso sa kanyang kandidatura ay lubhang mahalaga at malaking tulong para siya ay manalo sa 13 Mayo 2019 elections.

Binigyang-linaw na bagama’t hindi nag-eendoso nang lantaran ang ibang religious group pero nagpapasalamat siya dahil siya ay iniimbitahan sa kanilang mga gawain.

Inaasahan sa Sabado ay tuluyan nang ihahayag ng El Shaddai kung sino-sinong kan­di­dato ang kanilang susuportahan sa pagkasenador samantala ang hu­ling  linggo o araw ng pagsamba ng INC bago ang hala­lan ay pinag­kaka­looban ng sample ballot na naka­sulat  ang panga­lan ng mga kandi­datong sinusu­portahan ng INC.

Kaugnay nito, tiniyak ni Villar na hindi siya titigil at magiging kampante sa kanyang pangangampanya sa natitirang sampung araw.

Ito ay sa kabila na siya ang nanguna sa pinakahuling resulta ng Pulse Asia survey na naungausan niya si reelectionist senator Grace Poe.

Iginiit ni Villar, mahalagang malaman ng bawat mamamayang Filipino ang kanyang mga programa at palataporma de gobyerno sa  sandaling siya ay mahalal muli na senado bukod sa paglalahad ng kanyang mga nagawa na.

Si Villar ay nakalikha nang mahigit sa 100 school farm para mas lalong malinang ang kaalaman ng mga magsaska ukol sa pagtatanim at masabayan ang makabagong tekonolohiya at alternatibong pagtatanim sa panahon ng El Niño at La Niña na nagawa sa iba’t ibang panig ng bansa bukod sa livelihood program na kanyang ipinapatupad sa tulong ng VILLAR Sipag.

Gayondin ang pagkakaloob ng financial at livelihood assistance sa ating mga kababayang overseas Filipino workers (OFWs).

(NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …