MATAPOS irekomenda ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na isailalim ang probinsiya ng Pampanga sa state-of-calamity matapos tamaan ng malakas na lindol noong Lunes nang hapon, agad nagpasa ang Sangguniang Panlalawigan ng resolusyon para rito.
Si Arroyo, ang kinatawan ng pangalawang distrito ng Pampanga na nakasasakop sa Porac, isa sa mga grabeng napinsala ng lindol, ay nagpahayag nang pagkalungkot sa insidente habang nagpasalamat sa mga tumulong sa bayan ng Porac.
Sa nasabaing bayan marami ang bilang ng mga namatay at nasaktan dahil sa pagguho ng isang supermarket.
“Priority is to complete the rescue that is happening, and then we have to take care of those who have been rescued. We have to attend to their medical needs. Those who died, we have to attend to their funeral requirements. Those whose houses were destroyed and went to flee the earthquake, they have to be fed. So, we are in the rescue and relief stage right now,” ani Arroyo.
Itinatwa ni Arroyo ang kagustuhan ng iba na ipatawag ang municipal engineer ng Porac at panagutin ang mga may kinalaman sa umano’y pagtatayo ng mahinang pundasyon ng mga gusaling gumuho.
Ani Arroyo, hindi pa napapanahon ang pag-iimbestiga.
“We are now in the relief and rescue stage, so ‘yung mga ganoong blame tossing, siguro saka na,” anang dating presidente na nagmula sa Lubao, Pampanga, karatig-bayan ng Porac.
Nagpasalamat si Arroyo sa mga tumulong sa rescue operations.
“I’m just really very sad about this and I’m grateful that everybody is doing everything to save lives and helping the injured, and as much as possible, to the extent we can, restore normalcy as soon as possible. But I asked the… it’s a very sad situation and I ask for the prayers of the Filipino people,” aniya.
ni Gerry Baldo
16 DEATH TOLL
KINOMPIRMA
KINOMPIRMA ni Health Secretary Francisco Duque na 16 katao ang nasawi at 112 ang nasugatan sa Pampanga at Zambales sa magnitude 6.1 lindol kamakalawa ng hapon.
Sa ambush interview kay Duque bago ang situation briefing kahapon sa kapitolyo ng Pampanga, sinabi niya na 15 katao ang nasawi sa Pampanga at isa sa Zambales, 14 ang nawawala sa gumuhong Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga at isa sa Zambales.
Isinailalim ng Sangguniang Panlalawigan ng Pampanga sa state of calamity ang buong lalawigan.
Sinuspende ng Palasyo ang trabaho sa gobyerno sa Metro Manila para sa inspeksyon sa mga estrukturang napinsala ng lindol.
Kinansela rin ang campaign rally ng PDP-Laban sa Bataan dahil sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lugar na napinsala ng lindol sa Pampanga.
(ROSE NOVENARIO)
MAHINANG PUNDASYON
NG CHUZON SUPERMARKET
SINISI NG PANGULO
HINDI sapat ang pundasyon ng Chuzon Supermarket dahil dalawang palapag lamang dapat ito ngunit ginawang apat na palapag.
Pangulong Rodrigo Duterte ni Interior Secretary Eduardo Año sa ginanap na briefing sa kapitolyo ng Pampanga kahapon.
Inatasan ni Pangulong Duterte ang pulisya at DPWH na imbestigahan ang mga responsable sa depektibong gusali.
Ipinasara ni Pangulong Duterte ang apat pang sangay ng Chuzon Supermarket para sa gagawing structural inspection ng mga awtoridad.
Tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque na sagot ng DOH ang gastos sa lahat ng mga nasugatan habang pinansiyal na ayuda at food packs ang ipinagkaloob ng DSWD at pamahalaang panlalawigan ng Pampanga.
Iniulat ng Department of Education na may 180 paaralan ang napinsala ng lindol kahapon.
(ROSE NOVENARIO)