Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

320,000 TESDA scholars hindi makapagtatapos sa budget cut ng Senado

POSIBLENG hindi makapagtapos ng pag-aaral ang 320,000 scholars ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) matapos bawasan ng Senado ng P3 bilyon ang pondo nito.

Apektado rin umano, ang mga nasa drug rehabilitation centers at rebel returnees dahil sa nasabing pagbabawas.

Ayon kay Camarines Sur Rep. Rolando “Nonoy” Andaya, Jr., pinuno ng House committee on appropriations, tinanggal ng Senado ang P3 bilyon sa budget nito.

“[The] P3-billion [funds are intended] for scholarship of rebel returnees, out-of-school youths and rehabilitating drug dependents enrolled under the Universal Access to Tertiary Education. As a result, at least 320,000 students enrolled under the program will lose their scholarship this year,” ani Andaya.

Nauna nang inakusahan ni Andaya ang Senado ng pagsa­sabotahe sa mga programa ni Pangulong Duterte partikular na ang “Build, Build, Build Program” matapos rin kaltasan ng P83 bilyones.

Hinamon ni Andaya si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na ipaliwanag ang mga budget cuts at pangalanan ang mga senador na nagtulak nito.

Aniya, dapat din ipaliwanag ni Sotto kung saan dinala ang mga budget na kinuha sa “Build, Build, Build” at sa TESDA.

“All he (Sotto) has to do is explain to the public why the Senate slashed the budget not only of Build, Build, Build projects. Now is also the time for him to reveal the names of all senators who made budget cuts and show the items where these were realigned,” giit ni Andaya.

Ayon kay Andaya ang mga budget cut ay hindi napag-usapan sa bicameral conference committee. Maliban sa TESDA at Build Build Build program, ang mga ahensiyang binawasan ay Department of Transportation (DOTr) – P5 bilyon para sa right-of-way projects; Department of Public Works and Highways (DPWH) – P11.033 bilyon para sa right-of-way projects; Foreign Assisted Projects (FAP) sa ilalim ng DPWH na P2.5 bilyon.

Ayon kay Speaker Gloria Macapagal-Arroyo malapit nang lagdaan ng pangulo ang national budget.

Ani Arroyo, pipili ang pangulo ng mga items na puwedeng i-veto. (GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …