Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Utang ng PH sa China ipinabubusisi

IPINABUBUSISI ni Magdalo Rep. Gary Alejano ang mga utang ng bansa sa China.

Ayon kay Alejano dapat magkaroon ng oversight committee on debt management na titingin sa mga nakabi­bigat na utang na pinasok ng gobyernong Duterte sa China.

“While we recognize the power given to the President when it comes to incurring loans meant to spur growth and pro­mote equity in the pro­vision of public services and benefits, we should ensure transparency and accountability on all government bor­rowings. Hence, I proposed the creation of a Congres­sional Over­sight Com­mit­tee on Debt Manage­ment to institutionalize an effective check and balance on the executive power to contract and guarantee loans,” ani Alejano.

Nagpahayag ng pag­kabahala ang kongresista na maaaring mabaon sa utang ang Filipinas at kunin ang mga likas na yaman ng bansa bilang kabayaran.

Naghain si Alejano ng panukalang magbuo ng House Congressional Oversight Committee on Debt Management na tutugon sa mga utang ng bansa.

Aniya, dapat tingnan nang mabuti ang mga inutang ng gobyernong Duterte sa China.

“Sa harap ng mga naglalabasang isyu tung­kol sa mga naging utang natin sa China na lub­hang dehado ang ating bansa, mahalagang mag­karoon tayo ng sistema na mag-aaral at magsu­suri sa mga utang na pinapasok ng ating gobyerno para maseguro na hindi tayo talo. We also need to ensure that our govern­ment’s limi­ted resources shall be used appro­priately, and that priority should be given to edu­cation, health care, and other public services meant to promote the welfare of Filipinos,” ayon kay Alejano.

ni Gerry Baldo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …