Sunday , December 22 2024

75 barangay sa Dasmariñas City nakatangap ng patrol cars

TUMANGGAP ng mga patrol car ang 75 barangay sa Dasmariñas City mula kay Rep. Jenny Barzaga at kay Mayor Elpidio F. Barzaga, Jr., kahapon.

Ayon kay Cong. Barza­ga kailangan ng mga bara­ngay ang patrol cars, na may nakakabit na CCTV, para sa kaligtasan ng mga tao at para sugpuin ang kriminalidad na bumaba sa halos 50%.

Kasama sa mga ibinigay kahapon ang dalawang mobile outpost para sa pulis. Ang turnover ng patrol cars ay gina­wa sa Dasmariñas Integrated High School (DIHS) Open Grounds pakatapos basbasan ni Father Gabriel Chiniona.

Ayon kay dating gover­nor Jonvic Remulla, nakaing­git na ang Dasmariñas City.

Nagpasalamat si city chief of police, Supt. Nerwin Ricoher­moso sa ibinigay na patrol cars at mobile police outpost.

“Deterrence of crime has always been the primary mission of the city government. Through­out the years, maintenance of public order, peace, safety, and security has been proven central to the City’s continued growth and progress,” ani Mayor Barzaga.

Ayon kay Rep. Barzaga naka­tuon ang lungsod sa pagba­langkas ng mga pama­maraang makabago para maging mahusay at epektibo sa pagsisilbi sa tao ng Dasmariñas.

Lahat ng patrol car ay may camera at CCTV moni­tor, blinker at wangwang.

Ang dalawang mobile police outpost ay may built-in LED wall, LED panel lights, 1 HP aircon, CCTV system with five (5) cameras, at i5 desktop computer, wi-fi, at 8-channel network video recorder, bukod pa sa blinker at fog lights.

Mayroon din itong cold water dispenser.

Gumastos ang lungsod ng P83,382,000.00 para sa pagbili ng mga Toyota Hilux patrol cars at  P6,915,000 para sa dalawang mobile police outpost.

Ayon kay Mayor Barza­ga mas mapabibilis ang response time ng law enfor­cers sa krimen at sa emer­gency cases.

(GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *