Wednesday , December 25 2024

Digong ‘inawat’ si Andaya vs Diokno

WALANG iba kundi si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsalita kay dating House Majority Floor Leader Rolando Abaya Jr., na tigilan na si Budget Secretary  Benjamin Diokno.

Sa pahayag na ipina­labas ng Palasyo, baga­mat inirerespeto umano ng Pangulo ang awtono­miya ng House of Repre­sentatives ay sinabihan si Andaya na tigilan ang ‘paninira’ sa pamama­gitan ng media propa­ganda na may layuning wasakin at sirain ang imahen at reputasyon ni Diokno.

Ito ay matapos at kasunod din nang mapa­talsik si Andaya sa kan­yang puwesto bilang majority floor leader na pinalitan ni Capiz 2nd District Rep. Fredenil Castro.

Samantala, agad nag­paabot ng pagbati si Palace spokesman Salva­dor Panelo kay Castro matapos maitalaga bilang bagong house majority leader.

Matapos mapatalsik si Andaya sa kanyang puwesto ay pinagka­lo­oban siya ng pagiging pinuno ng Appro­pria­tions Committee kaya tuluyang nawala sa kanyang mga kamay ang committee on rules.

Magugunitang ang House committee on rules noong pinamumunuan pa ni Andaya ay ilang beses nagsagawa ng pagdinig ukol sa isyu ng umano’y corruption sa budget at mga flood control project na ang la­yunin umano ay ipahiya at wasakin si Diokno.

Ngunit hindi nani­niwala ang ilan na wala siyang hurisdiksiyon sa isyu na isa rin sa mga sina­sabing dahilan ng kanyang pagkakatalsik sa puwesto.

Nauna rito, nana­wagan si Bicol congress­man LRay Villafuerte ng agarang pagpapatalsik kay Andaya bilang majo­rity leader matapos ang mga pagdinig.

Para kay Villafuerte, maituturing na isang ‘deflective measure’ ma­ta­pos ibunyag ni Senador Panfilo Lacson na may­roon siyang nadis­kubreng ‘anomalous insertions’ para sa panukalang 2019 national budget na ang nakikinabang ay pawang mga kaalyado ni House Speaker Gloria Maca­pagal Arroyo.

Nitong Lunes ay pinagtibay ng Senado ang P3.7 trilyong 2019 national budget na inihain ni Diokno.

Umaasa si Diokno na matatapos at maa­apro­bhana sa lalong madaling panahon ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa pamamagitan ng bicameral conference committee ang iisang bersiyon ng 2019 national budget.

ni NIÑO ACLAN

About Niño Aclan

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *