Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pirma ni GMA peke (Sulat sa komite ng prankisa)

PINASINUNGALINGAN ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang uma­no’y sulat niya sa House Committee on Congressional Franchise na nag-uutos sa hepe ng komite na ayusin ang prankisa ng isang bagong kompanya ng koryente sa Iloilo at ang rekomendasyon sa isang aplikante sa  Bureau of Customs.

“We would like to clarify that both letters are fake. The Speaker nor her Office has not issued any correspondence over any electric franchise. The Speaker is focused on passing the 16 bills in the legislative agenda of President Duterte. She also does not endorse any applicant to any govern­ment position,” pahayag ng opisina ni Arroyo kahapon.

Ayon sa pahayag, nakikipag-ugnayan na sila sa mga awtoridad para alamin ang pinang­galingan ng naturang pekeng liham.

Nakasaad sa sulat na iniutos ni Arroyo kay Alvarez na ayusin ang pag­pasa sa prangkisa ng kompanya ng koryente.

Ayon kay Palawan Rep. Franz Alvarez, ang pinuno ng komite, walang katotohan ang liham.

“Ayaw na po sana nating bigyan ng digni­dad ‘yung sulat na iyon, pero siguro once and for all sagutin natin, at sabihin natin talagang peke ‘yung sulat na ‘yan. Uulitin ko, peke ‘yung sulat na ‘yan,” Ayon kay Alvarez sa isang interbyu sa radyo.

Nakasulat sa liham: “You are hereby com­manded to set a Bica­meral Conference Com­mit­tee meeting with your counterpart in the Senate c/o Senator Grace Poe Llamanzares of the Committee on Public Services tomorrow, De­cem­ber 5, 2018 at 10 AM, at Embassy Ballroom A Hotel Jen at Roxas Boulevard, Pasay City.”

“Hindi po ginagawa ng Speaker ‘yung ganyan na pinapakailaman ka­mi… sa committee na aming trabaho,” ani Alvarez.

“Unang-una, maki­kita naman sa lengguwahe sa sulat na ginamit. Parang bata po ‘yung gumawa ng sulat.”

“Pangalawa, ‘yung mga pirma ay peke. Pangatlo, kung makikita n’yo po doon sa sulat, sa top right-most part ‘yung may received ng opisina po kuno, ay makikita po kung inyong lalakihan ay mayroong puting rec­tangle na hindi consistent sa kulay ng sulat. Para bang idinikit lang po,” dagdag ni Alvarez.

ni Gerry Baldo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …