Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
BUMULAGTA ang duguang mukha at ulo ng isang biktima ng pmamaril na nakilalang si Angel Rivero Chairman ng Barangay 330 Zone 30 District 3 Sta Cruz Maynila habang lulan iyo ng motorsiklo, makaranag tambangan ng di pa nakikilalang salarin sa kanto ng M. Orosa at P.Burgos sts Ermita Maynila. (BRIAN GEM BILASANO)

Tserman binoga sa ulo ng tandem

BUMULAGTANG wa­lang buhay ang isang barangay chairman nang barilin sa ulo ng riding-in-tandem habang lulan ng kanyang motorsiklo ma­ka­raan dumalo sa isang anti-illegal drugs seminar, sa kanto ng P. Burgos Drive at Ma. Orosa St., Ermita, Maynila kahapon.

Kinilala ni SPO 3 Jonathan Bautista ng Manila Police District – Homicide Section, ang biktimang si Barangay Chairman Angel Joy Rivero, 52, ng Brgy. 330, Zone 33, namatay noon din dahil sa dalawang tama ng bala sa ulo.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente dakong 1:50 ng hapon. Habang binabag­tas ng biktima ang na­bang­git na lugar nang dikitan ng mga suspek at barilin nang dalawang beses sa ulo.

Ayon kay PO3 Fer­dinand Leyva, ng Manila Police District – Ermita Station (PS5), posibleng .45 kalibreng baril ang ginamit sa pagpaslang sa biktima.

Sinabi ni Barangay 330 Sangguniang Kaba­taan Chairman Vergel Francisco, kilala ang biktima bilang isang anti-illegal drugs advocate ngunit hindi niya alam kung may kaaway.

Inaalam ng pulisya kung may kinalaman sa kanyang trabaho bilang punong barangay, ang motibo sa pagpaslang sa biktima.

(BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …