Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P6-M smuggled sugar nasabat sa motorboat sa Zamboanga

HALOS 2,000 sako ng puslit na asukal, tinata­yang P6 milyon ang hala­ga, ang nasabat mula sa motorboat sa Zamboanga City, kamakalawa.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), lulan sa MV Fatima Shakira ang asukal mula sa Malaysia, at dumaan sa Bongao, Tawi-Tawi.

Ngunit walang naipa­kitang wastong doku­men­to ang kapitan ng motor­boat para sa nasa­bing kargamento.

“Initial investigation na ginawa po natin ay ga­ling Malaysia. The same brand ng sugar ‘yung nanggaling po saan, ‘yung nahuli po noong naka­raan,” ayon kay Coast Guard Station-Zam­boanga City Com­mander Noriel Ramos.

Dagdag niya, “Ito ‘yung nagdadala po ng smuggled rice from Ma­lay­sia. So na-intercept po natin ‘yan dito sa bandang Pilas and Kawit.”

Sinabi ng kapitan ng motorboat, na si Alkaser Jaafar, ang kargamento ay mula sa Jolo, Sulu.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …