Sunday , November 28 2021
Julia Barretto, Gerald Anderson, K9 Squadron, PCG
Julia Barretto, Gerald Anderson, K9 Squadron, PCG

Aktres hinirang na bagong miyembro ng Ph Coast Guard

ni Tracy Cabrera

MANILA — May bagong miyembro ang Philippine Coast Guard (PCG) sa katauhan ng aktres na si Julia Barretto na itinalaga bilang auxiliary ensign Auxiliary K9 Squadron ng PCG.

Malugod na sinalubong ni PCG commandant Admiral George Ursabia Jr. ang pagpasok ni Barretto sa donning and oath-taking ceremonies na isinagawa sa PCG national headquarters sa Port Area, Maynila kasama ang iba pang mga bagong auxiliarist na sina Ando Cruise Catipay, Jalil Laidan at Harold Jocel Talan.

Nagparamdam ng tuwa si Ursabia at gayun na rin ng pasasalamat sa mga bagong miyembro ng PCGA sa pagtalaga sa kanilang mga sarili sa tradisyon ng PCG na dedikasyon sa pagsilbi sa bansa sa pamamagitan ng kanilang pagsuporta sa Coast Guard sa pagsasagawa nito ng mga humanitarian mission at disaster response operation.

Sa ginawang seremonya, binigyang pansin ng Coast Guard commandant ang lumalaking pangangailangan para sa mga K9 unit sa pagsulong ng seguridad ng Pilipinas, lalo na sa banta ng mga panghihimasok ng mga dayuhan sa teritoryo nito at exclusive economic zone sa West Philippine Sea.

Sa pagkakatayo ng PCG-Philippine Ports Authority (PPA) K9 Academy sa Clark, Pampanga, ibinahagi ni Ursabia na malapit nang makapagbigay ang Department of Transportation (DoTr), sa pamamagitan ng PCG at PPA, ang mataas na kalidad at kompetenteng mga K9 unit sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa buong bansa.

Ang donning at oath taking ng mga bagong Coast Guard recruit ay sinakisihan din ng kasintahan ni Barretto na si Auxiliary Lieutenant Commander Gerald Anderson ng PCGA K9 Squadron.

About Tracy Cabrera

Check Also

Vice Ganda VAX GANDA USA TOUR

Vice click pa rinsa US, Vax Ganda USA TOUR may part 2

HARD TALK!ni Pilar Mateo UNKABOGGABLE pa ring maituturingangisang Vice Ganda! At ibang klase rin siyang …

Baron Geisler Doll House

Baron biggest break ang pagganap na rock star na adik

HARD TALK!ni Pilar Mateo KUNG ilang lata rin ng canned tuna ang nakita ng actor …

Angel Locsin

Angel bumweltasa basher: Huy wag kang mag imbento ng issue para may pagtakpan

MA AT PAni Rommel Placente NAG-POST si Angel Locsin ng kanyangreaksiyonsa Instagram post ng ABS-CBN  …

Cassy Legaspi

Cassy nagbabala, Facebook account na-hack

MA AT PAni Rommel Placente BIKTIMA narin ng hacker si Cassy Legaspi. Angkanyang Facebook account …

Jessica Soho John Lloyd Cruz

John Lloyd sa El Nido nakahanap ng kanlungan

RATED Rni Rommel Gonzales SA one-on-one interview ni Jessica Soho, inihayag ng balik-Kapusongsi John Lloyd …

Leave a Reply