Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathniel

KathNiel movie, ie-exhibit sa iba’t ibang bansa

READ: Reklamo ni Dingdong naging issue, dahil sa taas ng ratings ng Probinsyano

MUKHA ngang malakihan iyang pelikulang bago ng KathNiel, kahit na sinasabing iyan na muna ang huli rin nilang team up. May nakita kaming inilabas na posters ng pelikulang iyon na iba’t iba ang language. Ibig sabihin, nakahanda sila para sa exhibition sa iba’t ibang bansa. Hindi maliwanag sa amin kung iyon ay commercial theatrical bookings, o kung special screening o para sa cable channels. Pero maliwanag na may plano silang ilabas iyon sa abroad.

Ganyan dapat ang approach ng isang pelikula. Kung sinasabi nila na lumiit na ang market ng pelikulang Filipino dahil parang nadala na ang audience roon sa mga pelikulang walang kuwenta, na ipinipilit lamang naman sa mga sinehan, aba eh palawakin natin ang market sa ibang paraan.

Iyong iba gumagawa ng pelikula, isinasali lang sa festivals sa abroad. Pero wala namang nakukuhang commercial bookings, eh ano ang silbi niyon? Kasi naman ang sinasalihan nila ay mga hotoy-hotoy na film festivals na hindi naman pinapansin talaga ng film market.

Eh iyang ginawang iyan ng KathNiel, gumawa sila ng magandang pelikula. Maganda ang kuwento. Iyong mukha ng mga artista nila eh acceptable kahit na sa European market, hindi mga mukhang chimiaa. Ngayon naroroon ang posibilidad na makapasok sila sa mas malaking market, kikita pa sa abroad ang kanilang pelikula and eventually kung talagang ma-develop nga nila ang foreign market, aba eh baka barya na lang para sa kanila ang kita sa Pilipinas.

Ganyan ang dapat ginagawa ng mga kompanya ng pelikula. Gumawa sila ng matitinong pelikula na maaaring ibenta sa abroad. Huwag kayong mag-ambisyon sa US at sa Hollywood. Iyong Asian. European at South American market, puwede tayong pumasok diyan. Pero gumawa naman kayo ng matinong pelikula, at piliin naman ang mga artista. Hindi iyong ang ginagawa ninyong mga artista ay mga chimiaa look.

Kayo na lang eh, bakit ba gusto ninyo ang mga Korea novela, hindi ba dahil pogi at magaganda ang bida? Dayuhan na nga kung chimiaa look pa, panonoorin ba ninyo?

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …