Wednesday , December 25 2024

Mocha isasalang sa Senate hearing

INIREKOMENDA ni Sena­dora Nancy Binay kay Senador Francis “Kiko” Pan­gi­linan, chairman ng Se­nate  Committee on Cons­titutional Amendments and Revision of Codes, ang pag-imbita kay Communications Group Assistant Secretary Mocha Uson, bilang isang resource speaker, sa susu­nod na pagdinig ng Senado ukol sa panukalang Charter Change o pag-amyenda sa Saligang Batas.

Ayon kay Binay, maka­tu­tulong ito upang mapaki­nabangan si Uson ng pa­mahalaan upang tuluyang malinawan at mabatid ng publiko ang federalismo.

Iginiit ni Binay, mas mai­ging maipresenta ni Uson sa Senado ang kam­panya ukol sa federalismo at ukol sa panukalang pagba­bago ng ating Saligang Batas.

Binigyang-diin ni Binay, panahon na upang malaman ng Senado kung paano ginagastos ni Uson ang inilaang P90 milyon ng Department of Interior and Local Government at Consultative Committee upang ipaalam o bigyan ng kaalaman ang publiko sa kampanya at balakin ng pamahalaan na pagbabago sa Saligang Batas.

“In light of the plans of DILG and the Consultative Committee to have Asec Mocha Uson as the lead evangelist of the Federalism Caravan, siguro mas maganda kung mai-invite ni Sen. Kiko si Asec Mocha as one of the resource per­sons sa kanyang committee para mag-present sa Senado. Being the desig­nated messenger, we also wanted to hear how she would articulate or interpret the salient points of the proposed federal charter and explain to the people how a shift in the form of government could move the country forward. Dagdag na rin ang kanyang iba pang concept or idea sa infor­mation campaign using social media,” ani Binay.

 (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *