Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Joey Nombres, husay sa pag-iilaw sa entablado, muling ipinakita

MAMAYANG alas-otso ng gabi at bukas na lang ang tsansa ng ilan sa mga hindi pa nakakapanood ng stage musical na Binondo sa Solaire.

Sa pamamagitan ng aming pitak ay nais naming ipaabot ang aming pasasalamat sa mahusay at beteranong lighting director nito na si direk Joey Nombres.

Si direk Joey ay nakilala namin noong nagraradyo pa kami. Mula noon ay naging bukas ang aming linya ng komunikasyon sa Facebook.

Tulad noong siya rin ang nag-ilaw sa stage adaptation ng Maynila Sa Kuko ng Liwanag ay hindi kami nakaligtaang imbitahan ni direk Joey.

Sa ikalawang pagkakataon, he went out of his way para masaksihan namin ang Binondo.

Mahalaga at maselan ang aspeto ng pag-iilaw sa mga dula. May mga emosyon din kasing kalakip ang mga ilaw na hinihingi ng mga tagpo sa entablado.

Rito nagdalubhasa si direk Joey kaya naman siya ang paboritong kunin bilang lighting director tulad ni Joel Lamangan na nagsimula sa stage bago napadpad at nakilalang film director.

Muli, maraming salamat, direk Joey, sa laging pag-aalala sa tuwing kabahagi siya ng mga de-kalibreng stage musical.

Si direk Joey na ang standard question sa amin ay, ”Okey na ba ang anim na compli tickets?” Na ang standard din naming sagot, ”Opo naman, direk. Choosy pa ba?”

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …