Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

GMA Artist Center, deadma sa bastos na handler

DEADMA pala ang GMA Artist Center head na si Miss Gigi Santiago sa handler o alalay ni Alden Richards na si Leysam Sanciangco sa ginawa nitong pambabatos sa aming patnugot dito sa Hataw na si Maricris Nicasio noong Miyerkoles, Abril 18.

Sa ginanap na mall show ni Alden nitong Linggo, Abril 22 sa SM Megamall para sa Cookie’s Peanut Butter ay binigyan ng aktor ng bouquet of flowers ang aming patnugot at parang nangingilid ang luha na humingi ng dispensa at nagpaliwanag sa ginawa ng handler niyang si Leysam.

Hindi isinama ni Alden sa nasabing mall show ang kanyang handler bilang parusa na ipinagtataka namin dahil ang artista pa mismo ng GMA 7 ang nagbigay ng sanction sa handler niya imbes na ang head ng Artist Center?

Hindi ba sagot ng Artist Center ang lahat ng handlers nila dahil sila ang kompanyang nagpapasuweldo? Maliban na lang kung si Alden ang nagpapasuweldo sa alalay niya.

Nasa mall show kasi ang head ng GMA Artist Center na si Ms Gigi  nitong Linggo, Abril 22 pero hindi man lang niya nagawang lapitan ang aming patnugot para ihingi ng dispensa ang nasasakupang empleado.

Hindi ko maiwasang hindi ikompara ang GMA Artist Center sa Star Magic dahil kapag may reklamo sa kanila ay talagang pinatatawag sila ng head na si Mr. M (Johnny Manahan) o kaya ni Ms Mariole Alberto at inaalam ang buong pangyayari at saka aaksiyonan.

Maarte at snobbish lang ang ibang handlers at road managers ng Star Magic pero hindi sila mga bastos o naniniko o nangtatabig ng tao.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …