Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joshua, humanga lang, ‘di intensiyong manloko

KAWAWANG Joshua Garcia! Binabantaan na siya ni Dennis Padilla na mag-aala—action star ‘pag nagtangka uli ang actor na “pagtaksilan” at “paiyakin” ang anak na si Julia Barretto na girlfriend nga ni Josh in real life.

Biktima si Josh ng innocence n’ya kung paano tratratuhin ng madla ang celebrities na gaya n’ya.

Akala n’ya, pag nag-private message (PM) siya sa isang tao, hindi ibubuyangyang ‘yon ng recipient sa ilang kaibigan, at isa sa mga kaibigang ‘yon ay siguradong itatambad sa madla ang dapat sana ay “private message” lang nga.

Hindi naman hangarin ng mga tao na biglang ipinagkakalat sa madla ang “private message” buhat sa isang celebrity na wasakin ang buhay ng celebrity. Proud lang sila na pinansin sila isang celebrity. Trophy ‘yon para sa kanila. Malamang na ipa-frame nila at i-display sa salas ng bahay nila ang “private message” ng celebrity.

Hindi kami naniniwalang may balak si Josh na magtaksil kay Julia at makipagrelasyon nang lihim kay Dane Rhea Sillo, ang babaeng pinadalhan n’ya ng PM na “art shot” bilang reaction sa artistic picture ng girl na ipinost nito sa Instagram at Twitter.

Na-capticate lang talaga si Josh sa artistry ng shot na ‘yon.

Hindi lang talaga pumasok sa inosenteng isip ni Josh kung gaano ka-earth-shaking para sa mga ordinaryong tao ang mapansin ng isang celebrity na kasing sikat niya. Hindi talaga sila papipigil na ipamarali ang isang private message buhat sa isang celebrity.

Siguro naman ay magkakaisip na si Josh at ‘di na magpa-private message kung kani-kanino na ibubuyangyang din naman pala sa madla ang mensahe n’ya.

Sa panahong ito ng high-tech, na isang mobile phone camera lang at dalawa o tatlong pindot sa gadget ang kailangan para matambad sa madla ang ano mang pangyayari saan mang sulok ng mundo, kainosentehan, kundi man kamangmangan, ang maniwalang may puwede pang ilihim sa madla ang mga celebrity na gaya ni Josh.

Gayunman, nadiskubre mismo ng Kapamilya Network, na si Dane Rhea ay ‘di naman pala karaniwang tao. Talagang pangarap pala n’yang sumikat at maging celebrity. Sumali na pala siya noong 2014 sa Gandang Babae contest ng It’s Showtime. Hindi siya pinalad na magwagi bagama’t isa siya sa mga naging semi-finalists.

Noong 2016, sumali rin siya sa Mutya ng Dabaw at nagwagi siya ng titulong Diwa ng Davao na hindi ang grand title sa beauty pageant na ‘yon.

Model siya ng fashion and beauty products ngayon.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …