Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta Kris Aquino Oscar de la Renta wool sweater

Regalong sweater ni Sharon kay Kris, P89K ang halaga

NIREGALUHAN ni Sharon Cuneta ang matagal na rin pala n’yang kaibigang si Kris Aquino ng Oscar de la Renta wool sweater na umano’y nagkakahalaga ng P89,000!

Ipinost ni Kris sa Instagram n’ya (@krisaquino) ang litrato ng sweater at nilagyan ng mahabang caption na nagkukuwento tungkol sa pagiging magkaibigan nila ng megastar at kung kailan siya nagsimulang maging fan nito.

Noong 10 years old pa lang si Kris, (1980) at sa Boston, USA sila naninirahan, dalawa lang ang VHS films sa bahay nila na Tagalog: ang Dear Heart at My Only Love na parehong pinagbidahan ni Sharon.

Ang deskripsyon nga pala ni Kris sa regalo ni Sharon ay “simply BEYOND.”

May ilang taon na rin palang nagbibigay ng regalo sa isa’t isa ang dalawang mega idols bilang magkaibigan pero may kasunduan sila noong mga nakaraang taon na hindi nila ipababatid sa madla ang ginagawa nilang ’yon.

Pero overwhelmed nga si Kris sa ganda at halaga ng regalong “simply beyond” kaya’t ibinahagi n’ya sa madla ang kagalakan.

Bukod sa tatak, ang isa pang ikinatuwa ni Kris sa sweater ay ang pagkakaroon nito ng dekorasyong puso na binuo sa pamamagitan ng pulang sequins.

“The heart I believe is symbolic because we’ve both welcomed each into each other’s hearts,” paglalahad ng babaeng tinaguriang Queen of Online World and Social Media.

“I feel so blessed to be considered her friend,” pagbabando ni Kris na  Ate Sharon ang tawag sa megastar.

Forty-seven years old na si Kris at 52 naman si Sharon. Hindi nga pala si Kris mismo ang nagbando ng presyo ng sweater. May mga netizen na hinanap ang estilo ng sweater sa website ng Oscar de la Renta signature products at nadiskubre nilang halos P89,000 ang presyo ng ganoong estilong sweater na produkto ng world-famous designer.

Ang post ni Kris sa Instagram (@krisaquino) ay nakatanggap na ng mahigit sa 33,000 LIKES noong Lunes (March 5). Isa sa mga nag-like ay mismong si Sharon.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …