Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
KZ tandingan Singer 2018 Blind item

Magaling na singer, nag-audition din sa Singer 2018

NANGHIHINAYANG pala ang manager ng kilalang singer na hindi nakapasok sa Singer 2018 dahil si KZ Tandingan ang napili ng taga-Hunan TV.

May nagtsika sa amin na naghahanap din ang manager ng kilalang singer ng singing competition sa ibang bansa na puwedeng salihan ng alaga niya.

Nag-audition ang magaling na singer sa Singer 2018 pero hindi siya ang napili dahil si KZ nga ang gusto.

In fairness, magaling at mahusay ang singer na bida sa blind item namin pero hindi siya nagustuhan ng taga-Hunan TV.

Inisip namin kung bakit hindi siya nakapasa sa audition baka kasi wala namang bago sa estilo niya bilang singer na hindi katulad ni KZ na kakaiba, sabi nga ng dalaga, ”buti nagustuhan nila ang pagiging odd ko.”

Pero binibigyan pa rin namin ng benefit of the doubt ang magaling na singer na baka sa susunod na season ay isa na siya sa challenger ng Singer 2019.

Laging talunan sa singing competition ang magaling na singer, pero kilala naman na siya ngayon dahil in-absorb siya ng TV network na pinagta-trabahuan niya ngayon.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …