Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

KZ, naiyak nang makaharap si Jesse J

UNFORGETTABLE kay KZ Tandingan ang pagkakasali niya sa singing competition sa China na Singer 2018 na ginanap nitong Sabado ng gabi dahil kung tama kami ay first time niya ito sa labas ng bansa. Produkto siya ng X Factor noong 2012.

Kaya hindi niya malilimutan ay first attempt niya as challenger sa 5th weekly episode ng Singer 2018 ay siya pa ang nakakuha ng 1st place at tinalo niya ang idolo niyang si Jessie J na nakuha naman nito ang 2nd place at sinundan nina Hua Hua at Wang Feng para sa ikatlo at ikaapat na puwesto.

Kinanta ni KZ ang Rolling in The Deep ni Adelle na hinaluan niya ng Pinoy rap na ikinagulat ng mga nanood at lahat ay nakanganga sa performance ng small but terrible talent ng Cornerstone Entertainment.

In fairness, ang ganda ng performance rin ni Jesse J sa awiting Ain’t Nobody na sinasabayan pa siyang sumayaw ng manonood at talagang hindi mo aakalain na matatalo siya ni KZ.

Sabi nga ng manager ni KZ na si Erickson Raymundo, “magagaling lahat. Professional singers kasi lahat at saka ‘di mo pa rin alam ano gusto ng Chinese market. Pero may laban si KZ talaga. Jesse J is consistently good.”

Samantala, may natitirang nine weekly episodes pa ang Singer 2018 kaya mahigit dalawang buwan pa ang hihintayin ng Pilipinas kung maiuuwi ng ating pambato ang titulo.

Kuwento nga ni Jeff Vadillo, VP ng Cornerstone, “hi Reggee, weekly ‘yung competition so as long as hindi si KZ nasa lowest spot tuloy lang siya sa show, 14 episodes ang show nasa 5th na tayo.”

Base sa napanood naming mechanics ng Singer 2018 ay nagsimula ito noong 2012 at mala The Voice ang concept na ang pagkakaiba lang ay puro professional singers ang iniimbitahang sumali sa kompetisyon at ibinase nila ang pagpili sa mga napanood nilang music videos.

Samantala, bago pa nagsimula ang kompetisyon ay nagkita sina KZ at Jesse J sa waiting room na ikinagulat ng Pinay na singer dahil nga isa ang Amerikanang singer sa inspirasyon niya sa pagkanta.

Kaya naman nang yakapin siya ni Jesse J ay talagang napaluha siya sa sobrang galak at naikuwento niya ang naging problema niya sa boses niya noon.

Bumaha ang pagbati kay KZ sa social media at sabay post na rin ng performance niyang awitin ni Adelle na Rolling in the Deep na labis na hinangaan ng mga Chinese kasama na ang mga katunggali.

Kahapon,Linggo dumating si KZ at maghihintay na lang ulit siya kung kailan siya ipatatawag para sa susunod na episode.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …