Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sapat na pondo sa Marawi rehab tiniyak ni Legarda

INIHAYAG ni Senadora Loren Legarda, chairman ng Senate Committee on Finance, titiyakin niyang mapaglalaanan nang sapat na pondo sa panukalang 2018 national budget ang rehabilitasyon ng Marawi.

Ayon kay Legarda, dapat matiyak na manumbalik at maging matatag ang ekonomiya, sosyal at politikal na aspeto sa Marawi.

Iginiit ng senadora, kahit anong uri ng plano kung walang sapat na pondo ay magiging plano na lamang ang lahat, at hindi maibabalik ang dating sigla ng Marawi.

Bukod dito, sinabi ni Legarda, dapat din masiguro ng pamahalaan na maibabalik ang katahimikan at kaligtasan ng mga mamamayan ng Marawi, sa sandaling maibalik na ang lahat.

Pinaalalahanan ni Legarda ang pamahalaan, partikular ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of Labor and Employment (DoLE), Department of Social welfare and Development (DSWD), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na kanilang ipatupad ang kanilang mga programa para sa mga  kababayan natin sa Marawi.

Idinagdag ni Legarda, mayroong nakalaang pondo para sa mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) para sila ay bigyan ng paunang puhunan para sa pagsisimula ng panibagong kabuhayan.

Tinukoy ni Legarda, maging ang Department of Agriculture ay maaaring mapagkalooban ng tulong ang mga magsasakang apektado ng kaguluhan.   (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …